Chapter: 03

680 33 3
                                    

UNTI-UNTI  kong binuksan ang pintuan at halos malaglag ang eyeballs ko sa pagka mangha, para akong pumasok sa snow world! blue and white ang theme ng kwarto, and guess what? nag ii-snow sa loob ng kwarto! some of the furniture are even made of ice. kung nananaginip ako please lang 'wag niyo na akong gisingin, this is heaven! bukod sa tubig ay gusto ko sa malamig na lugar, for sure makakapag relax talaga ako dito.

Like what the headmaster said, nandito na ang mga gamit ko kaya sinimulan ko na din na ayusin 'yon and it sucks that I don't have a maid para ayusin itong mga 'to. 

Habang nag aayos ay biglang nag liwanag ang paningin ko nang makita ang walk in closet sa dulo ng kwarto, agad kong binuksan 'yon  and in my surprise, it's already filled with different clothes, uniforms, jewelries, shoes, and bags! I'm sure na si mommy ang nag palagay ng mga 'to.

Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan at kamustahin sana sila mommy, pero napa simangot na lang ako nang makita na walang signal. Yep, understandable of course this academy is in the middle of nowhere. 

Imbis na mainis ay nag  palit na lang ako ng damit para kahit papaano ay maging kumportable ako. I grab a loose cream long sleeve and high waist short from the walk in closet, nag suot din ako ng over the knee boots, perfect! I let my hair down at pinag masdan ko ang sarili ko sa full sized mirror beside the bookshelf, itinagilid ko ang ulo ko, parang may kulang...yes! I forgot to put on a necklace.

Nang makuntento ay naupo ako sa white couch na katabi ng glass window na natatakpan ng makapal na kurtina, at dahil sa pagkabagot ay may naisip ako, unti-unti akong gumawa ng ice blade gamit ang charm ko, pinalutang ko it sa  palad ko. Nakita ko ang pagbabago ng kulay ng buhok ko mula sa reflection ko sa salamin, from grey to blonde. This only happen when I use my ability.

Ibig sabihin lang na nandito ako ay libre ko na din na magagamit ang kapangyarihan ko, nakakapagod din na patagong mag practice sa pag control nito nuon. Sila mommy at daddy lang ang nakakaintindi saakin, kung may kaibigan man ako na makakaalam ng patungkol sa charm ko ay hindi ko na nakikita pa kinabukasan malamang natatakot sila. 

Since then wala na akong kinaibigan dahil pare pareho lang naman silang lahat, iniiwan ako.

Nang makaradam ng hapdi ay napa tingin ako sa palad ko, hindi ko napansin na nadurog ko na pala ang ice blade na kanina lang ay pinag lalaruan ko. Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo, I need a fresh air.

Lumabas ako ng kwarto at napansin na may mga mangilan-ngilan na estudyante sa hallway ng dormitory na pinag titinginan ako, is it because of my outfit? Psh, pathetic powerless charmers...Ngayon lang ba sila naka kita ng maganda?

Hindi ko na sila pinansin kahit na ang sarap kalbuhin nung iba at diretsyo lang sa pag lakad nang biglang may bumangga saakin na hindi ko alam kung saan nanggaling, buti na lang hindi ako na out of balance!

"Oh my! Sorry po!" paumanhin ng babaeng naka bungguan ko.

"No it's also my fault hindi kasi ako tumitingin sa daan" malumanay na ani ko since nag sorry naman siya.

Babaeng medyo katangkaran pero mas matangkad ako sakaniya, she's wearing a uniform at hanggang ibaba lang ng balikat ang buhok. napa tingin ako sa kulay berde niyang mga mata.

"You're a nature controller right?" Wika ko.

"Umm, yes. newbie ka 'diba? How did you know? Witch ka ba?" Tanong nya, nag tataka.

Aba nakaka insulto to ah? Mukha ba akong witch?! Hindi ba pwedeng may strong sense of feeling lang?

Nag bago ang kulay ng mata ko na mula sa pagiging kulay brown ay naging blue, hindi nag bago ang kulay ng buhok ko since I'm not using any charm. I'm just showing her kung sino ang tinatawag niyang witch.

Lauren of White Castle [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon