Chapter: 06

502 25 3
                                    


TAHIMIK ang buong hallway, bukod sa mga tunog ng sapatos namin ay wala ka ng maririnig pa, for sure na nasa klase pa ang ibang mga estudyante at kami lang ang maagang na-dismiss, hindi din nag sasalita itong mga kasama ko matapos mag yaya na kumain sa cafeteria. 

Tumigil kami sa harap ng malaking wooden double door, nangunguna si Cort at prenteng pumasok at dire-diretsyong naupo sa isang malaking circular table na nasa mismong gitna ng buong cafeteria, doble ang lawak nito sa training hall at hindi ko maiwasan na muling mamangha, wala pa sa kalahati ng lugar na 'to ang laki ng cafeteria sa dati kong academy!

 Dire-diretsyo silang lumakad papunta sa isang malaking round table na naka pwesto sa mismong gitna ng cafeteria. 


"Sab! dito tayo" Masayang tawag sa akin ni Atina. 


Nag dadalawang isip pa nang lumapit ako sakanila pero mabilis lang akong hinila paupo ni Atina sa tabi niya.Wala pa mang sinasabi ay may mga lumapit na agad sa amin na mga taga silbi at may mga dalang iba't ibang klase ng putahe, nang maihain na ang mga pagkain sa harapan namin ay wala namang nag tangkang mauna sa pag galaw. 

This is freaking awkward, anong hinihintay nila? pasko? 


 "She looked puzzled" Naka ngising ani Margo, nang aasar. 


 "If you're wondering why they're treating us like this--"


 "Don't brag that you're a royalty" Putol ko kay Morine kaya maang siyang napa tingin sa akin.Tinaasan ko lang siya ng kilay, hindi ko naman kailangan na maging mabait sakanila. Isa pa may atraso pa 'yang leader nilang apoy sa'kin no. 


 "Ehem, awat na okay? nasa harap tayo ng pagkain" Mahinahong ani Atina at nag simula nang kumuha ng pagkain kaya naman gumalaw na sila Lucas at Jake para kumuha na din ng sa kanila. 


 "Here" Napa tingin ako kay Lucas nang iabot niya sa akin ang plato niyang may laman na. 


"T-Thank you" nagugulat na ani ko, ngumiti naman siya sa akin. 


 "Tsk, mukha ba siyang walang kamay?" Iritadong wika bigla ni Cort kaya napatingin kaming lahat sakaniya, anong problema nito? 


 "Kalma okay? Pasensiya sa na Sab, alam mo namang may leader tayong bulkan" Mahinang ibinulong sa akin ni Atina ang huling sinabi niya kaya tumago-tango na lang ako.

 Magsisimula na sanang mag salita ulit si Atina nang biglang mag ring ng malakas ang bell, maya-maya pa ay sunod-sunod na nagsi pasukan na ang mga estudyante, wala pang isang minuto nang mapuno ang buong lugar ng ingay.

 Ngunit hindi iyon nag tagal nang mapansin nila kami, matapos ang ingay ay nakabibinging katahimikan naman ang pumalit bago umugong ang mga bulungan. 


 "Omg! Kumpleto ang Diamond's ngayon!"


 "Look girl, may bago silang kasama, I wonder who is she?" 


 "Oo nga 'no? saang castle kaya siya galing?" 


Lauren of White Castle [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon