Chapter: 05

529 27 3
                                    





WALA sa mood akong bumalik sa room, sinong matutuwa? wala akong choice kundi manatili dito at pakisamahan ang mga mahihinang nilalang na 'to. Agad akong sinalubong ni Atina nang makita niya akong pumasok.

 "Sabrina, okay ka lang? bakit umalis ka? may nasabi ba akong hindi maganda?" Alalang tanong niya at mukhang maluluha pa.

 "Nothing, don't mind me" malamig na ani ko bago maupo. 

 "Arte" Rinig kong bulong ng kung sino sa likod. 

 Asar akong bumaling ng tingin sa likuran at nakita si Margo na naka tingin din sa akin with her b'tchy eyes, tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang nag hahamon kung bakit ako naka tingin sakaniya. 

 "Excuse me?" Asar na ani ko habang nasa kaniya parin ang tingin ko.

 "Dadaan ka?" sarkastikang ani niya kaya rinig ko ang mahinang pag tawa ni Jake sa gilid, pito lang kami dito, of course rinig namin ang isa't-isa. 

 "Hindi ako maarte, so shut up" Mataray na ani ko bago siya irapan at muling ibinaling ang atensyon ko sa harap. 

 Maya-maya ay naka ramdam ako ng malakas na pag hangin kaya nagkanda gulo-gulo ang buhok ko na hindi ko pinapa galaw kahit kanino. 

That's it! Padabog akong tumayo at at nanggagalaiting lumapit sakaniya, inangat ko ang kanang kamay ko at gumawa ng ice orb, habang siya ay naka ngising patuloy sa pag papatama sa mukha ko ng malakas na hangin, parehong nag liliwanag ang mga mata namin, asul ang akin at puti ang kaniya, Mukha siyang nag e-enjoy pero ako hindi! 

 Akmang ibabato ko na ang ice orb na nasa kamay ko nang biglang natigilan ang pag galaw ko, maging si Margo. Nawala ang pag liliwanag ng mga mata namin at bumalik sa normal na kulay maging ang buhok ko.

 "What's the meaning of this?"

 Isang boses ng babae ang narinig namin bago muling maka galaw, una kong tinignan si Margo na naka ngisi parin kaya napa pikit na lang ako at pinag laho ang hawak kong ice orb. 

 "Ms.Kath, labas kami diyan ah" Ani Jake at nag iwas ng tingin. 

 Bumaling ang tingin ko sa babaeng naka pencil cut skirt at red na blouse, mahaba ang buhok at mukhang nasa mid 20's and edad, 

 "Hindi ba kayo na inform na bawal gumamit ng charm sa classroom ko? gusto niyong ma-detentsion?" Seryosong ani niya at tumigil ang mata niya sa akin.

 "Who are you? do you belong in this class? what castle are you from?" Takang tanong niya sa akin kaya napa ayos ako ng tayo. 

 "Transferee po siya Ms.Kath" Sagot ni Atina. 

 Tinignan ako nung tinatawag nilang Ms.Kath mula ulo hanggang paa. This is awkward. 

 "So you're Sabrina Winter? Newbie pero nag kakalat ka na ng gulo, I see." Tumango-tango siya.

 "I'm not the first--"

 "I'm not asking for your opinion, take a seat" 

 Lag-lag panga akong napa tingin sakaniya, is this serious? 

 "I'm dead serious Ms.Winter, take a seat" Wika pa niya Binabasa niya din ang isip ko? 

Uso ba dito ang privacy? 

 Naka rinig ako ng pag tawa sa likod kaya napalingon ako ulit, si Cort sungit. Nang mapansin niya na naka tingin ako ay sumeryoso siya bigla.

 "Naririnig namin lahat ng iniisip mo Sab" Mahinang bulong ni Atina 

Lauren of White Castle [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon