Maldita 09

2.2K 89 19
                                    

RB (POV)

"Eh torpe ka pala kuya eh!" Sita sa akin ng kapatid kong si Mat.

"Kung ako sayo magtatapat na ako. Goodluck Bro. Mauna na ako kuya. byee." -Dagdag pa niya.

Torpe ba ako?

O baka naman natatakot lang akong magtapat sa isang malditang katulad niya?

Hay!! Ang hirap naman ng ganito :3

Papunta na ako ngayon sa Mansyon ni Liah.

Absent ako kahapon at talagang sinadya ko yun.

"Wala yung pakielam kahit magtampo ka. Wag kang feeler."

Papasok pa lang ako pero rinig na rinig ki na ang boses niya.

Magpapakita ba ako?

Ay tanga! Siyempre bodyguard ka niya. (Sigaw ng utak ko.)

"Eh Liah naman eh!" Rinig kong maktol ng kaibigan niya.

Nandito na ako ngayon sa may garden, nakatago lang ako at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.

LIAH (POV)

"Ay nako Goergina! Wag mo akong artihan.!"

"Kfine." Sagot niya.

"Wag ka ng malungkot, importante ka naman talaga sa kanya eh. Hello! Libangan ka kaya niya pag bored siya." Me to Goergina.

"Oo na makikipag break na ako." Sigaw niya.

"Good! Masyado kang maganda para masaktan lang..."

Habang nagku-kwentuhan kami ni Georg. Ay biglang may umagaw ng atensyon ko.

"Uy Goerg! Tingnan mo yung halaman! Parang gumagalaw." Sabay turo ko dun.

"Baliw ka talaga Liah! Siyempre humahangin."

Binalewala ko na lang yung sinabi niya.

"Ay nga pala! Papunta na si Bianca ngayon! Oh eh ayan na pala eh! " Sabat turo niya kay bianca na papunta ng garden.

"Hi Girls!" Masayang bati niya.

"Aba masaya tayo ah! Kamusta naman yung forever niyo ng boyfriend mo? Balita ko inamag na." Pang-aasar ko.

Nakita ko namang napalitan yung ngiti niya sa pagkaasar. tsk.

"Whatever Liah."

Magsasalita na sana ako pero inunahan naman ako nitong si Bianca.

"Oh Liah ayan na pala yung future boyfriend mo eh."

Pagtingin ko si Rb papalapit sa amin. -_-

"Uhh.. H-hi?" Utal utal na sabi ni Rb.

"Hello pogi!" -Georgina.

"Tara upo ka!" Pagyayaya ni Bianca.

Tapos nagkuwentuhan silang tatlo.

Yep! Silang tatlo. Im out of place fvck!

"Speaking of lovelife.. Rb may Girlfriend ka na ba?" -Bianca.

"Uhmm wala. Pero malapit na.." Sagot niya sabay tingin sa akin.

"O-oy wag mo akong tingnan ng ganyan!" Nahihiya kong sabi ngunit mataray .

LIAH ANG DAKILANG SENYORAWhere stories live. Discover now