Maldita 13

1.9K 77 6
                                    

May mga tao talaga na unang kita mo pa lang mapapatago ka na agad ng cellphone.

Nandito ako ngayon sa may waiting shed ba yun? Hindi naman kasi ako pamilyar dito eh.

Nakakainis lang! Bakit pa kasi ngayon umulan ng malakas at saktong wala pa akong dalang sasakyan. Sumugod kaya ako sa ulan? Ay wag na. Sayang naman yung suot kong Forever 21 Floral Combo Dress.

May dalawa akong kasamang lalaki na mukhang snatcher.. Eh paano kung makatingin sa akin akala mo papatay! Oo alam ko maganda ako, pero kailangan ganun talaga tumingin? tch.

Sinubukan kong tawagan si Georgina pero nakapatay naman ang cellphone..

Naasar na talaga ako >_< Lintek na ulan kasi eh, bakit ayaw tumigil?

Bigla namang nag-ring yung phone ko! Oh God thanks! Akala ko si Georgina yung tumatawag pero nagulat ako ng makita ang pangalan ni RB.

"Nasaan ka na ba?!" -Taranta kong tanong.

"Oh kalma.. kalma.. wala man lang bang hello.?"

"Anong hello ka pang nalalaman diyan.. eh bakit hindi mo na lang kaya ako sunduin diba?!"

"Sorry Dita pero hindi kita masusundo. Can't you see baha sa labas.. Gusto mo bang ma-istranded ako?"

"Tch. Edi sunduin mo ako."

"Hindi nga pwede ang kulit mo.."

"I mean.. kahit wag ka ng mag-dala ng sasakyan, basta puntahan mo na ako ngayon!"

"Per--- *Toot* *Toot* *Tooooo*" Agad ko ng inend yung call. Kung ano-ano pa kasi ang sasabihin eh -_-

 **

"Ayy sa wakas naman dumating na din siya!" Sabay palakpak ko.-_-v

"Pasensya na po mahal na reyna."

"Tss."

"Oh." Tapos may iniabot siya sa akin.

"Ano 'to?"

"Eh ano pa.. Plastik.. Diyan mo ilagay yung cellphone mo para hindi mabasa."

 Tapos nagulat ako ng bigla niya akong hilahin. Baliw ba 'to? Kitang umuulan eh!

"Teka saan tayo pupunta? Wag mong sabihin na magpapaulan tayo?"

"Eh ano pa nga ba? Alangan namang mag-hintay tayo ng pasko para lang huminto yung ulan? Tsk" Sabay irap niya at tuluyan na akong nabasa. Wala na.. Basa na yung Forever 21 na Dress ko :'(

Nasa kalagitnaan kami ng pag-takbo nang makaramdam ako ng pagod. 

"Oh bakit ka huminto? Malapit na tayo." 

"Hello!!! Ikaw kaya ang tumakbo ng naka-high heels." Sabay irap ko. At patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.

"Tsk." Tapos nagulat na lang ako ng bigla niya akong pasanin. Actually hindi pa ako nakapasan, pero alam ko na yun ang gagawin niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Eh ano pa, ade ipapasan na lang kita.. Para mas mabilis na tayong makarating sa mansyon mo."

Eh siyempre ako naman 'tong si Maganda, no choice  \_(^_^)_/ 

"Kumapit ka." Pero hindi pa rin ako kumapit sa kanya ng mahigpit.

LIAH ANG DAKILANG SENYORAWhere stories live. Discover now