Maldita 18

1.4K 40 1
                                    

[RB]

Ngayon alam ko na ang totoong ugali ni Liah. Masiyahin at palatawa.

Ibang iba talaga siya kapag ngumingiti, mas lalo akong na-iinlove sa kanya.

Ngayon ay mag-de-date ulit kami. At yayayain ko na siyang maging Girlfriend.

Hindi na kasi ako makapag-hintay na mapa sa akin siya, mahirap na baka may umagaw pa.

Sinabi ko kay Liah na mag-meet na lang kami sa Bluementrit... Nandito kasi ako sa may Rooftop ng Bluementrit at busy sa pag-hahanda special date.

Siyempre may musics, special foods. At kung ano-ano pa. 

Pinaghandaan ko ata ang lahat ng ito. Pinag-ipunan at pinag-hirapan. Gusto ko kasi kapag nagpropose ako sa kanya ay yung hihimatayin siya sa kilig.

"Nandiyan na po ba ang tutugtog ng Violin?" Tanong ko sa receptionist.

"Yes po sir.." 

Ngayon hinihintay ko na siya. Syempre may halong kaba at saya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng buhok ng maramdaman kong may humawak sa magkabilang kamay ko. Sisigaw na sana ako ng makaramdam ako ng panyo sa aking ilong. Nakakahilo ang amoy na iyon.

Tapos ay nawalan na ako ng malay.

**

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa aking harapan.

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at naaninag ko ang mukha ni Leira. O_o Teka ano ang ginagawa ko dito?

Napalingat ako sa paligid at pamilyar ang lugar na ito. Tama nandito ako sa Guest room ng mansyon ni Liah. Pero ano ba ang ginagawa ko dito? Diba dapata nasa date namin ako ngayon.

Unti unti akong umalis sa pagkahiga sa kama, at akmang hahakbang na ako palabas ng may humawak ulit sa braso ko. Ngayon ko lang nalaman na isa sa mga bodyguards dito sa mansyon ang humawak sa akin.

Nakita kong pinagtaasan ako ng Mommy ni Liah bago magsalita. "Tapos na ang trabaho mo.. Na-enrolled na din kita sa isang pribadong paaralan.. Pwede ka ng umalis.." Malamig niyang sabi.

Napakunot naman ako sa sinabi niya. Huh?

"P-po?

"Didiretsuhin na kita Rb, ayaw ko sayo para kay Liah! Pinagkatiwalaan kita! Tapos ano?! Malalaman ko na may nangyayari na pala sa inyo ni Liah?!" Tapos ay pinaliguan niya ako ng sampal sa magkabila kong pisnge.. Alam niya na may nangyayari sa amin ni Liah? Paano?

"Eto.. Diba eto lang naman ang kailangan mong makuha para tumigil ka na diba?" Sabay taas niya sa pera. Isinampal niya sa mukha ko ang pera at nagsalita. "Layuan mo na si Liah! Hindi ka bagay sa kanya! And besides nagawa mo na rin naman na yung task mo na patinuin si Liah, Sisante ka na! Kaya ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo dito!!" Sabi niya bago tuluyang umalis ng Room.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mommy ni Liah. Paano ko lalayuan si Liah? Hindi ko kayang gawin yun! Ikamamatay ko!

Wala na rin akong trabaho. Paano na kami ng kapatid kong si Mat?

Hinde. Pero kailangan kong ipaglaban si Liah..

Agad naman akong napatayo at agad naman akong naghanap na masasakyan na taxi upang pumunta sa Bluementrit..

Baka kanina pa naghihintay si Liah?

Nag-habol hininga ako ng makapunta sa Rooftop.

Pero wala akong nadatnan na Liah.. Hindi ba siya dumating? Siniraan na ba ako ng nanay niya tungkol sa akin? 

Agad namang nag-unaunahan ang luha ko sa pagpatak.

Malamang Rb umalis na yon! Ang tanga mo talaga! Sigaw ng utak ko.

Ang usapan namin ay alas osto ng gabi.. Pero eto alas nuwebe na.

Marami pa akong gustong ipaliwanag sa kanya..

Agad ko namang idinial ang number niya pero nakapatay ang phone niya. Sinubukan ko ding tawagan sina Bianca pero hindi nila alam kung nasaan ito.

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. KABA.

Na paano kapag iniwan ako ni Liah?

Buong gabi ko siya hinanap, tinawagan at pinagtanong tanong.

Pero wala! Walang akong Liah na nakita!

Umuwi ako ng bahay na luhaan.

"Oh kuya ano napasagot mo  na ba?" Yan ang bungad sa akin ni Mat.

Nginitian ko na lang siya ng pilit.

Mababaliw na ako sa kahahanap sa kanya.

Liah nasaan ka na ba?

**

Pagmulat ko ng mga mata ko ay mahapdi.. Oo nga pala wala na akong trabaho..

Naalala ko nanaman yung kagabi.. Nasayang lang yung effort ko..

Kaysa sa Humiga lang sa kama ay bumangon na ako at gumayak.

Pupuntahan ko pa si Liah sa mansyon at kakausapin.

**

"Sinabi ng papasukin niyo ako eh!!"

"Bawal po talaga! Yun po ang ipinapagutos ng ni Mayora." Ah si Mayora? Yung Mommy ni Liah?! Sht!.

"Saglit lang naman kasi eh!! Paghindi mo to binuksan bubugbugin kita mamaya!!" Pananakot ko sa kanya.

Sasagot pa sana siya ng lumabasa ang Daddy ni Liah.

"Anong kailangan mo? Hindi ba't finiref ka nanamin?" Malamig nitong sabi.

"Sir..  kailangan ko lang po makausap si Liah! Sige na sir... please.." Halos lumuhod at mag-makaawa na ako.. Pero parang wala lang itong naririnig.

"Wala na kayong dapat pag-usapan! Alam na niya ang lahat!" Putaa! Alam na ni Liah! Pinaikot nila si Liah! Shit!

"Pero hindi ko kayang layuan yung anak niyo sir... M-mahal na mahal ko si Liah.. Parang awa niyo na po.. "

Lumabas siya sa pinto at agad niya akong sinuntok. Hindi na ako nanlaban. Kung ang panununtok lang naman ang kapalit para makuha ko ai Liah ayos lang. Kaya ko pa namang tiisin ang sakit.

"A-ano tapos na po ba k-kayo?" May dugo na sa aking labi at hindi na rin ako makatayo ng tuwid. "M-maaari ko na po bang makita si Liah?" Sabi ko habang nakahawak sa tiyan.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Isa ka lang namang hamak na bodyguard pero kung makaasta ka!"

"Bakit sir? Nung panahong wala kayo sa tabi ni Liah, di po ba ako ang nasa tabi niya. Ako po ang nagpupuno ng pagkukulang niyo.." Matigas ngunit kalma kong sabi.

"Ahh..... Kaya pala inuto mo yung anak ko at pinikot. Kaya ba may nangyari na sa inyo?! Gago ka!! Hindi mo nirespeto ang anak ko!"

"Nirespeto ko po siya s-sir... at saka ginusto naming dalawa yun!" Hindi ko na mapigilang sumigaw.

Akmang sasagot pa sana ito ng lumabas si Liah, na siya namang nagpabilis ng pagtibok ng puso ko.

God!! I missed her so much!!

LIAH ANG DAKILANG SENYORAWhere stories live. Discover now