Part 8

9.3K 124 5
                                    

Mariel

"Hon may dumating na sulat para sayo" Linggo ngayon at kararating lang namin ni Marco galing sa Simbahan. At dito sa condo niya naisipan naming tumambay.

"Kanino daw galing?" tanong ko. He shrugged

"Open it" sabi ko. Hawak hawak ko ang phone ko at nagbabasa ng wattpad.

"Ano ba yang ginagawa mo diyan at ni hindi ka man lang maistorbo?" kunot noong lumapit ito sa akin.

Binuhat niya ako atsaka ini upo sa lap niya.

"Nagbabasa ako ng Wattpad." sabi ko

"Rea--"

napa tigil siya sa pag sasalita ng bigla akong impit na tumili.

"The hell?"

"Ihhh! Kinikilig ako kay Dark!" Sabi ko at saka niyakap siya

"Dark?" kunot noo nitong sabi

"Oo yung bida dito sa story-- huy anyare sayo?" naka simangot ito at padabog na binubuksan yung sulat na hawak hawak niya.

Ibinaba ko ang cellphone ko ng makitang galing ang sulat sa pulis.

"What is that?" nagkibit balikat siya at saka binasa din ang sulat.

"An investigation?" bulalas ko

"Isa sa suspect sa ginawang pag sunog sa bahay niyo ang umamin sa ginawa nilang krimen. There's a foul play. Sinadyang sunugin ang bahay niyo" nakita ko ang pag kuyom niya ng kamao. Unti unti kong naramdaman ang pag hihina. Kumapit ako kay Marco. May nagbalak na masama sa amin, sinadya nila ang sunog na nangyari ilang taon na ang nakararaan, pinatay nila ang nanay ko, sinira nila ang mukha ko, sinira nila ang pamilya namin, sinira nila ang buhay ko.

"Hon! Mariel! Mariel!! Hon calm down! you're shaking!" mabilis akong niyakap ni Marco

"I-im ok, i-i just... I just want to-- uhm i need to rest" sabi ko at parang wala sa sariling tumayo at dumiretso sa pinto.

"Honey!" naramdaman kong hinawakan ni Marco ang kamay ko.

I looked into his eyes. "We will go the precinct, we'll face it together ok? don't be afraid, im here. Andito lang ako sa tabi mo" he hugged me

Tumango ako at yumakap din sa kanya.

..........

"WALANGHIYA KA!!" Mabilis akong lumapit sa lalaki na iniharap sa amin ng mga pulis na siyang sumukong suspek sa pag sunog sa bahay namin.

Pinag sasampal at kalmot ko ito sa mukha at sa leeg. Naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Marco.

"Hon calm down" bulong nito sa akin at niyakap ako. Masama ang tingin ko sa lalaki habang patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin, Marco magbabayad siya sa ginawa niya sa mama ko! sa pamilya ko!" umiiyak na sabi ko. Sinapo ni Marco ang mukha ko

"Sisiguraduhin ko yan hon, I'll make sure that all of them will rot in jail" may bahid ng galit ang mata nito.

Marco

"Naihatid na po namin si mam, sir" imporma ng isang pulis sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila at sinenyasan ang mga tauhan ko na pumasok sa loob ng presinto.

Ipinahatid ko muna si Mariel sa mga pulis. Doon ko siya pinahatid sa bahay nila mama. Alam kong mas magiging ligtas siya doon, ayoko siyang iwan na mag isa sa condo.

Sa ngayon ako na muna ang bahala sa kasong ito.

"SAAN NIYO AKO DADALHIN?" napa tingin ako sa pinto ng iniluwa nun ang lalaki na kanina ay pinag sasampal ni mariel.

Marco Buenavista Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon