Chapter Two

4.7K 65 0
                                    

Ngayon nga ay third year high na ako. Buti nalang at hindi ako naabot sa K-12. Fourteen years old na ako. Saktong palabas pa sa tv yung Katorse kaya hindi ako lagi nauwi ng hapon. Gabi na ang uwi ko dahil lagi akong napapag-initan ni mama hilda. Kaoag habi naman ako umuwi ay wala na ito sa bahay. Nakikipag tong-its na ito sa mga kaibigan nito kasama ang kapatid kong pitong taong gulang na si Mariel. Maldita iyon pero mahal ko sa kabila ng  kawalan ng paggalang nito sa akin.

At ngayon nga ay uwian na. Nagkikita kami ni bakla iang kanto malayo sa eskwelahan. Natatanaw ko na ang kotse nitong pulang Honda CRV.

Tumakbo ako palapit at doon ay nakita ko itong titig na titig sa cellphone nito.

Mamahalin ang cellphone nito. Samantalang ang akin ay de-keypad pa na nokia.

Mayroon itong ibinigay na cellphone sa akin pero nasa condo nito. Nilalaro ko iyon kapag nakatambay ako sa condo niya.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ko.

"Sa condo,saan pa ba?" at nagmaneho na ito ng walang imik.

Sabi sa inyo eh,masungit ito. Tsk tsk tsk.

Pagdating sa condo ay pumasok na kaagad ako. Nauna na akong umakyat kase nagpapark pa iyon ng kotse sa  basement. Alam ko ang password ng pinto niya.

Dumeretso ako sa kwarto niya at kinuha sa drawer ang cellphone na bigay niya. Humilata ako sa kama niya at nagsimula ng magbasa ng wattpad. Dito lang ako nakaranas ng wifi. Ang bilis bilis pa. Daig pa ang lipad ni Darna sa bilis.

Pumasok ito at pumasok sa walk-in closet. Ilang beses ko na bang nakita itong topless? Sabi ng mga tambay sa kanto namin, ang mga bakla raw ay nagpapatubo ng abs. Eh ang daming abs ni bakla. Tss.

Totoo nga.




Pinagluto niya ako ng masarap na pagkain. Hindi ko mapigilang maglaway. Ang galing niyang magluto. Siguro ay swerte ang magiging nobyo nito. Hihi

"Mukha ka na namang tanga riyan Marianne. Tss."

Inirapan ako nito. Nginitian ko nalang ng matamis at maya maya ay ngumiti na rin ito.




Inihatid niya ako isang kanto ang layo mula sa looban namin. Nakatayo lang ito at hinihintay akong makauwi.


Pagpasok ko ng bahay ay sampal ang bumungad sa akin.

Si Papa! S-sinampal ako ni papa ko!













Naiyak ako sa waiting shed. Pinalayas ako ni papa. Nagsumbong si mama Hilda na lagi akong gabing umuwi at may nobyo raw ako. Bukod doon ay siniraan niya ako na inaapi ko sila ni Mariel.

Galit na galit si Papa.
Ang tanging dala ko lang ay ang aking bag at ang nakaempakeng gamit ko. Binuksan ko ang bag at nakitang ilang pirasong damit lang ng laman non. Naroon ang mga papeles ko tulad ng NSO at yung photo album ni mama ko.

Naiiyak na niyakap ko iyon.

Nasilaw ako sa liwanag na tumapat sa akin dito sa waiting shed. Nandito na si bakla.











"Dito ka na lang tumira Marianne. Ayos lang sa akin."

Naiiyak na nayakap ko si bakla.

"Sorry! Thank you din!"

Tumawa ito at niyakap ako.

"Tahan na,heto at may ice cream ako. Kain tayo. Para bukas,paos ka na. Haha" ang wierd minsan ni bakla. Sobrang panlalaki ang boses niya pero yung mga sinasabi niya,ang corni. Bakla talaga.


Nakatulog ako sa kama niya. Sa sahig siya naglatag  ng makapal na kutson.

Nananaginip ako. May yumakap sa akin. Hindi ko siya kilala pero masarap ang yakap niya. Masaya yung pakiramdam ko. Niyakap ko pa siya ng sobrang higpit. Nakatulog ako ng masaya.







Pag gising ko ay tanghali na.

"Hindi na kita ginising. Paglalabahin kita eh. Tinuluan mo ng laway ang unan ko." sabi ni bakla na seryoso sa pag-aayos ng lamesa. Tanghalian na pala.

Kumain kami at nagsimula ng maglinis. Nilinis namin yung isang kwarto. Tinanggal ni bakla yung doorknob non dahil sira. Kaya pala nakakandado.

Doon na ako matutulog simula ngayon. Naglaba na rin kami ng mga kobre kama.

Naging masaya ang stay ko sa condo ni bakla. Hindi siya katulad ng ibang bakla na bihis babae. Mukha siyang gwapomg lalaki. Ako lang ata ang nakakaalam na bakla siya. Isa pa ay hindi siya matalak tulad ng ibang bakla. Siguro ay dahil edukadong tao.




Nagtagal ang pagsasama namin hanggang sa ngayon nga ay graduating na ako ng highschool. Walang umakyat para sa akin sa stage..ayaw ni bakla kase hindi naman daw niya ako anak.

Nung matapos ang graduation ay nagpunta kami sa resto niya at doon ay kasama namin ang mga tauhan ng resto na nag celebrate. Lahat sila ay kaibigan ko na. Kaya naisip ko na mag part time doon para makapag kolehiyo. Ayaw ni bakla pero napilit namin siya ni ate Jenny. Yung kaibigan kong waitress sa resto.

Balak kong mag-culinary. Naiinggit ako kay bakla na magaling magluto. Kaya nagkasiyahan ulit ng sinabi ko ang course na kukunin ko. Si bakla ay natural na nakamasid lang katulad ng dati. Pangiti ngiti lang ito sa akin. Kaya ako na naman ang lumapit ng lumapit dito. Ganon ang role namin. Tahimik siya at ako ang magulo.

Hindi na namin napag-uusapan ang pamilya ko. Ayaw kong masaktan pa at maalala ang pantataboy sa akin ni papa.

"May pupuntahan tayo, Marianne." sabi ni Jesse.

"Oh?sige. Basta kasama kita,go ako!" Sabi ko. Inakbayan niya ako at umalis na kami sa resto.

Not Your Ordinary Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon