Chapter Thirteen

2.8K 48 0
                                    

Iti-next ko si tita Maitha. Nakapagtatakang gising pa ito ng dis oras ng gabi. Tumawag ito sa akin at kinausap ako.

"Sigurado ka bang kaya mong iwan ang ama ng anak mo? Sa totoo lang Marianne, napag-usapan ka namin ng asawa ko. Sabi niya ay baka makagulo ako sa pamilya niyo. Ayoko namang masisi ako. Pag-isipan mong mabuti. Baka mapag-usapan niyo pa iyan."

Napahagulhol ako. "Tita, kapag hindi niyo ako matulungan umalis,baka ikamatay ng anak ko. Nararamdaman ko na mahina ako tita, please po. Lahat gagawin ko para sa bata. Mawalan na ako ng lalaki wag lang ng anak tita." Pagmamakaawa ko pa.

"Oh siya, mamayang alas kwatro ay papapuntahin ko jan ang anak ko. Sa likod ng mansion,malapit sa garden. Maghihintay iyon sayo hanggang tanghalian. Planado na ang lahat nung isang araw pa." Bumuntong hininga ito. "Tama ka, mahalaga ang buhay ng bata. Pero hindi kita mapapayagang manatili dito sa Lumar. Ilalayo kita hanggang sa makapanganak ka. Okay?" Tanong ni tita Maitha.

"Salamat po tita. Bukas po pagkaalis ng mga tao sa bahay. Lalabas kaagad ako." Napatingin ako sa mahinang nahilik na si Jesse.

"Tahan na hija. Magiging maayos din ang lahat."

Natapos ang tawag at tila pinipiga ang puso ko. Naiipit ako pero alam ko sa sarili kong tamang iwan ko si Jesse, kaysa pabayaan ko ang sarili ko at ang anak ko n mapahamak sa ginagawa ni Jesse sa amin.

Matapos kalmahin ang sarili ko ay tumabi ako kay Jesse, yinakap ko siya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Huli na ito. Pagbibigyan ko sa huling pagkakataon ang nabubulagan kong puso.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong humalik sa noo ko si Jesse. Hindi ako nagmulat pero gising na  ako.

Mabango na ito at malamang ay nakabihis na paalis.

"Babalikan kita mamayang gabi baby. May surpresa ako sayo na tiyak na magugustuhan mo." Narinig kong tumawa ito ng mahina at hinaplos ang katawan ko. Hinalikan nito ang balikat ko. At hinipo ang aking puwitan.

Sa loob loob ko ay nandidiri ako. Iniisip ko kung paanong minahal ko ang lalaking ito na tila katawan ko lang ang habol sa akin. Nagpupuyos ang kalooban ko.

Iniisip ko kung may nangyari bang makabuluhan sa relasyon namin? Bukod sa materyal na bagay at sa simpleng pag-aalaga sa akin ay wala na. Laging sex at at sex lang. Bakit nga ba naisip kong mahal niya ako at inaalagaan niya ako kung kapalit noon ay ang katawan at buong pagkatao ko?

Tama si papa,malandi nga ako. Sa una palang ay mali na sumasama ako sa kanya. Sa simula pa lang ay hindi na dapat ako nakipaglapit sa kanya. Ang lahat ng kabutihan niya ay may kapalit.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at narinig ko ang mga yabag ni Jesse papunta roon. Binuksan niya ang pinto.

"Jesse,halika na at malayo ang pupuntahan natin ngayon. Kailangang maaga tayo dahil lalo tayong gagabihin ng uwi mamaya."

"Sige dad. Tara na." At nagsara na ang pinto.

Iminulat ko ang mga mata ko at doon ay umagos ang luhang kanina pa naiipon. Bumangon ako at nagbihis. Kinuha ko ang bag ko na luma na naglalaman ng mga papeles ko.

Iniwan ko lahat ng gamit na bigay sa akin ni Jesse. Maging ang mga credit and atm cards. Yung mga cash na bigay niya ay walang bawas sa wallet ko. Binawasan ko iyon ng isang libo. Mabuti nang hindi niya malaman na may anak siya. Akin lang ang batang ayaw niyang mabuo.

Alas singko na at nagsisimula ng lumiwanag. Sa ganitong oras ay mahimbing pang natutulog si Melody. Hindi pa naman makakauwi si tita Rica at ang mag-asawang Geraldine at Jay.

Nakasuot lang ako ng itim na leggings at oversized t-shirt. Naka flat peep-toe shoes lang ako.

Lumabas ako ng bahay patungi sa garden at binuksan ang maliit n gate na daanan ng mga hardinero kapag naglalabas ng mga tuyong damo o basura.

Sa pinakadulo ay nakakita ako ng pamilyar na kotse.  Minsan na iyong ginamit na tita Maitha. Kulay itim na Jaguar.

Kumatok ako at nagbukas ang pinto sa bandang likod.
Pumasok kaagad ako.

"Hi!, ako nga pala si Gladys. Girlfriend ako nitong si Lorenzo. Nice to meet you!" Nginitian ko ito at nakipagkamay. Tahimik lang ang anak ni tita Maitha. Marahil ay alam nito ang nangyayari.

Tahimik ang biyahe at nakapagpahinga ako. Nahiga ako sa likod ng kotse. Nang magising ako ay huminto kami sa isang gasoline station.

Habang nakain kami sa restaurant ay kinausap ako sa cellphone ni tita Maitha.

"Hija, maayos ba ang kalagayan mo?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni tita Maitha.

"Opo tita,salamat po."

"Sa ngayon ay mag-iistay ka sa Laguna. Dun ka magtatago habang inaasikaso ng sekretarya ko ang papeles mo oara makalipad papuntang ibang bansa. Kapag nais mo ng umuwi ng Pilipinas ay hahayaan kita."

Naiiyak na nagpasalamat ako. Pinatahan ako ni Gladys. Mabait ito at parang ate kung ituring ako.

Sa daan ay nagkakwentuhan kami.

"Ate Marianne,papunta tayo sa France. Sa Paris mismo. Kase yung kapatid ni baby bunch na chikiting ay napiling magmodel ng kilalang brand ng damit ng pambata. Gawa kasi ni tita Marga. Diba honey? Model si tita Marga diba??"

"Yes hon. Ikaw ate Marianne, ano ba ang gusto mong kuning kurso? Maganda rin ang  mga school sa France." Usisa ni Lorenzo habang nagda-drive.

Napaisip ako. Gusto ko sanang maging chef. Iyon ay pinangarap ko mula ng makapunta ako sa restaurant ni Jesse.

Umikot na ang buhay ko sa lalaking iyon.

"Hindi ko alam. Bahala na. Wala naman kase akong pinangarap na talagang gusto ko." Natahimik kami sa kotse hanggang sa nagsimula nanamang magkwento ni Gladys about sa mga friends niya at yu g friend pa niyang ayaw niyang bigyan ng pangalan na may gusto daw sa kanilang dating guro.

Kinukulit tuloy siya ni Lorenzo kung sino at kung hindi ba talaga siya ang ay gusto sa gurong iyon.

Tahimik akong nakikinig sa bangayan nila. Naisip ko nanaman noong dati ay minsang naging guro ko si Jesse.

Ipinikit ko ang aking mga mata para itulog ang lungkot na bumabagabag sa puso ko.

Not Your Ordinary Cinderella StoryWhere stories live. Discover now