RUNAWAY Part 2

22.4K 1K 200
                                    

***

Malagkit ang pakiramdam ko nang magmulat. Nilalamig din. Hinila ko sa katawan ko ang makapal na kumot at tumanaw sa malaking bintana sa silid na bahagyang nakabukas. Makulimlim pa. Wala pa sigurong alas-sais.

Pero... nasa'n si Warren? Nasa'n ako?

The night before registered like the mist outside.

Sinundo kami ni Jeron nang nagdaang gabi. Nakatulog ako sa backseat. And this must be his grandmother's house.

Ang tanong: Paano akong napunta sa kuwarto mula sa backseat? Hindi ko naman natatandaang gumising ako para lumipat. Wala nga akong natatandaang kahit na ano.

Nang marinig ko ang message tone ng cellphone ko, nangapa ako sa hinihigan ko. Halos napailalim 'yon sa malaking unan.

Si Warren ang nag-text.

Warren~ie >.< :
Mi? Gising ka na?

Kumurap ako nang ilang ulit. Nasisilaw pa 'ko sa lakas ng ilaw ng cellphone ko.

Miming:
Gising na. Good morning. :)

Warren~ie >.<:
Good morning. :>

Miming:
Nasan ka?

Warren~ie >.<:
Nasa kuwarto ni Jeron.
Nakatulog kang maayos?

Miming:
Oo. Ikaw? :3

Warren~ie >.<:
Me, too. :>

Miming:
Pano ko napunta rito sa
kuwarto? Ginising mo ko
kagabi? Di ko maalala e.

Warren~ie >.<:
Ginigising sana kita. Pero di ka
nagising e. Binuhat na lang
kita. :>

Nakailang kurap ako. Binuhat niya ko? Hala!

Miming:
Nakita ng mga tao rito kina
Jeron? Hala! :'(

Warren~ie >.<:
Haha. Wala namang nakakita.
Tulog na lahat ng tao rito sa
kanila kagabi.

Warren~ie >.<:
I made sure no one's around
bago kita buhatin. Alam kong
mahihiya ka e.

Nakahinga ako nang maluwag.

Miming:
Sino lang pala nakakita? :<

Warren~ie >.<:
Si Jeron at si Nina lang, gf niya.

Lumabi ako kahit 'di naman makikita ni Warren.

Miming:
Thank you. Mabigat ako?

Warren~ie >.<:
Malakas ako. :>

Miming:
Tsk. Sorry, di mo ko
nagising. :<

Warren~ie >.<:
Pagod ka lang kasi. :>

Miming:
Pagod na nga. :<

Warren~ie >.<:
Tapos sabi mo hindi.

Miming:
E kasi e... :<

Ayoko lang naman na ma-frustrate siya na wala kaming mahanap na kuwarto kahit pagod na 'ko. He would worry.

Warren~ie >.<:
Alam kong pagod ka na
kagabi kaya there's no use
saying otherwise. Ikaw ang
priority ko. I'll always think
about you.

Alam ko naman 'yon. But...

Miming:
Iniisip rin kita siyempre.

Warren~ie >.<:
Haha. Totoo, Mi? :D

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon