STRANDED Part 3

19.5K 1.1K 364
                                    

***

We checked for nearby houses, huts, or hideouts but there was none. Tanging hanay ng mga puno, batuhan, at ilang makikipot na daan ang nakapalibot sa amin. Nang mapanatag kami ni Ivan, magkahawak-kamay kaming naglakad pabalik. I was almost dragging my feet. Wala na ring nagsasalita sa amin. We were both exhausted for the day.

"Dito na talaga tayo magpapalipas ng gabi," sabi ni Ivan nang makabalik kami sa tabing-dagat.

"Yes. Buti na lang si Potchi ang dala natin."

We developed the Potchi 17 as a camping van. We adapted the idea of sofa beds and recliner chairs for second and third row seats so it could be converted into beds. Naiuunat ang mga upuan at napagdidikit para bumuo ng isang latag ng hihigan. Convertible ang roof. We also plan to make a rear door and to install a folding table in the future.

Binuksan ni Ivan ang tagiliran ng Potchi 17 at iniayos ang higaan namin. Kinolekta ko naman ang neck pillows na mayro'n kami. Kumuha rin ako ng shawl sa traveling bag na dala ko.

"May maliit na kumot ako sa bag," sabi ni Ivan sa'kin nang ilagay ko ang mga hawak ko sa higaan. "Pakuha na lang."

"May kumot tayong dala?" ani ko.

"Para kay Mimi talaga 'yon. Pinadala ni Mama."

I opened his bag and found a fleece blanket inside. Bitbit ko 'yon nang tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa hihigan.

We both sighed in exhaustion after.

"Okay ka pa?" untag ni Ivan. Maamo ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"Pagod na."

"Ako rin," sabi niya.

Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Tulog na tayo."

"Yes. Tulog na muna tayo."

Isinara ni Ivan ang tagilirang pinto at binuksan ang roof bago patayin ang makina ng sasakyan. Pinatay niya rin ang ilaw sa cellphone niya. Magkatabi kaming humiga. Tig-isa ng neck pillow. Share sa kumot.

I couldn't help but admire our view from where we're lying.

The sky was summer clear with the waning moon. Kitang-kita ang kutitap ng mga bituin dahil sa madilim na paligid. Bumubulong ang alon ng dagat. At payapa ang panggabing hangin.

Tumagilid ako kay Ivan. Gaya ng lagi, nakatingin na siya sa'kin bago pa 'ko mag-angat ng tingin sa kanya. The moon gave me enough light to see his gentle smile.

"Ano 'yon, Pfifer?"

Yumakap ako sa katawan niya. Pinaunan naman niya ako sa braso niya.

"Nilalamig ka?" aniya.

"No. Just tired... but happy," bulong ko sa dilim. "Naisip ko kanina no'ng tumirik si baby Potchi na mas okay sana kung nasa hotel na tayo. I worried getting stranded here--in the middle of nowhere."

"Too much for a first night?"

"No'ng una, 'yon ang naisip ko. Alam ko kasing pagod ka mula kahapon. Gusto ko sanang makapagpahinga ka nang maayos. But I got greedy. I wanted you for myself tonight and messed with the app. Kaya 'yan, naligaw tayo. Now we're stranded here. I'm sorry."

I felt him smiled. Tiningala ko siya uli.

"Hindi ka galit?" ani ko.

"Hindi. Bakit ako magagalit? I want you for myself, too."

Lumunok ako. Hinalikan naman niya 'ko sa noo.

"At buti nang dito tayo tumirik kaysa sa main road," dagdag niya. "Mas ligtas dito."

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon