STRANDED Part 2

15.9K 889 69
                                    

***

Something's wrong with the van. I'm almost sure because of the engine's sound as I drive. May mali na rin sa dinaraanan namin. Papakipot na ang mabato at malubak na daan at halos wala nang mga bahay o shops sa paligid. Halos kalahating oras na rin mula nang huli akong may makasalubong na sasakyan at tricycle. Naliligaw yata kami kahit na sumunod ako exactly sa direction na itinuro ng mobile app.

Umuga ang van nang lumubog sa isang malalim na lubak, kasabay ng pagkamatay ng makina. Napa-check ako agad kay Ivan. Baka maistorbo siya. Ang himbing pa naman ng tulog niya.

"Come on, baby Potchi," I muttered beneath my breath, "you have to do this. We can't be stuck on the road to nowhere."

Ang sabi sa app ay five kilometers away na lang kami sa panibagong hotel na gusto kong puntahan. We're in Alaminos, too. We can't be stuck here. I don't want to be stuck here for the night.

I restarted the car and gripped the wheels. Nagmaniobra ako paalis sa lubak. Umugong sa paghihirap ang makina, umubo, hanggang sa namatay uli. It was a bad sound for the engine. I was dumbfounded.

Nilingon ko uli si Ivan. Should I wake him up? But... in a situation like this? Magtataka siya kung nasaan kami. Kailangan kong magpaliwanag kung bakit nagbago ang direksyon sa app. Mas madali sana kung gigisingin ko siya kapag nasa hotel na kami. Hindi 'yong gigisingin ko siya para mamroblema. Worst, magtulak.

My heart was pounding hard at my chest when I tried the car again. Nagreklamo ang makina sa pagpupumilit bago tuluyang mamatay. Nang subukan ko uli, wala na talaga. The engine was dead.

What the hell.

Sumandal akong mabuti sa upuan at huminga nang malalim. I have to think.

We're in the middle of the road. Which means, I should keep the hazard lights busy. I should also look for a clearing or any place safe for the van, in case of repairs. I should probably look for help. Baka may mga bahay sa kalapit na puwedeng i-rent o pakituluyan.

I grabbed my phone and exited the app. I searched for nearby car shops. The nearest was 1.3 kilometers away. Great.

The map also showed that we're near the sea.

The sea?

I checked Ivan one last time and silently went out the van.

***

Mabagal pero sigurado ang mga hakbang ko sa direksyong nakikita ko sa mapa. May nilinis na daan branching from the road where we're stranded. Mapuno 'yon at parang pribado. Tumuloy ako ro'n gamit pang-ilaw ang flashlight feature sa cellphone ko. It leads to the sea. There might be a house or any shelter somewhere near. I have to check it fast.

Hindi ko mapigilan ang kilabot ko sa malamig na ihip ng hangin at sa huni ng mga insekto. Madalas din akong luminga para sa mga anino. I have to be alert. Although it's unlikely because it seems we're far from any residential area, someone might still jump on me.

I was getting worried when I walked a good distance. Aatras na sana ako pabalik nang maramdaman kong buhangin at hindi na batuhan ang inaapakan ko. Dinig ko na rin ang ingay ng hampas ng alon. Napabilis ang hakbang ko.

We're really near the sea!

Payapa ang tabing-dagat na tumambad sa'kin. The area was secluded. Nasa pagitan iyon ng maliit na patse ng malalaking puno at isang mataas na batuhan. Wala akong matanaw na bahay o kubo o anumang shelter saanman. Walang lighthouse. But this seems like a good spot to park the van and to spend the night. Kahit bukas na lang ayusin ni Ivan ang sasakyan, hindi kami mamomroblema sa pagkakaharang sa daanan.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon