STRANDED Part 1

20.2K 1K 250
                                    


***

"The traffic's killing me," sabi ko at napasandal sa upuan ko.

Ilang oras na kaming stuck sa highway kasama ang mga motoristang busina nang busina. It's getting late. Sa van na kami nagmeryenda. Mukhang do'n na rin maghahapunan.

Napahikab si Ivan na nasa driver's seat. He must be bone-tired by now. We were busy running the company, making cars, and attending car shows the last few months. Wala pa kaming matinong pahinga since the grand wedding yesterday and the newly-wed rituals we had to abide today from the in-laws of both sides. Nagpa-blessing pa kami ng bahay. The plan was to be at Pangasinan by lunch for the getaway pero late afternoon na kami nakaalis.

"Pagod ka na..." Humilig ako sa seat ni Ivan at hinagod ang likod niya. I kissed his cheek and his jaw a few times. "You can take a nap. Ako na muna sa manibela."

"Okay lang ako, Princess," sabi niya at masuyong ngumiti sa'kin. Sumulyap lang siya sandali.

His okay were tired eyes and tired voice, kahit na ang firm ng grip niya sa manibela. Ilang ulit na 'kong nag-suggest na ako naman ang magda-drive pero hindi pa siya pumapayag. Umiinit na ang ulo ko.

Sumimangot ako.

"Ba't nakasimangot ka?" magaang tanong niya.

"Because you won't let me help you rest," ani ko at humalukipkip.

Ngumiti uli siya, as if I was concerned at something trivial. "Hindi pa naman kasi ako gano'n kapagod."

Lagi naman siyang 'hindi gano'n kapagod'. Kung may human version ng kalabaw, si Potchi 'yon.

"Ano'ng amount ng pagod ang kailangan para ibigay mo sa'kin ang manibela?" I nagged at him.

Lumapad ang ngiti niya. "Gusto mong malaman na ngayon? Nasa traffic pa tayo."

Hinampas ko siya sa braso. Mahina naman ang pag-aray niya.

As if we're getting to that part anytime soon! Lagi na lang may abala!

"Just give me the wheels, Engineer!"

Mahina siyang tumawa. He patted my head as if I was not on tantrums. "I'll give you the van later, 'pag 'di ko na talaga kaya. Do something else."

Nakatingin lang ako sa kanya, ipinahahalata ang disgusto ko.

"Puwede mo naman akong halikan na lang uli habang ma-traffic," aniya.

Pumalatak ako. Ginaya niya.

"Come, wife, give me a kiss." Inilapit niya ang pisngi niya sa'kin para sa halik.

Naiinis pa rin ako nang kaunti pero mas malakas ang kagustuhan kong maglambing. Hinuli niya sa labi niya ang halik ko. Nakapikit na 'ko at handa nang yumakap sa kanya nang may malakas na bumusina.

The goddamn traffic moved!

Kunot ang noo ko sa inis nang magmaneho si Ivan.

***

"Kita na lang bukas pagdating namin diyan ni Pfi," sabi ni Ivan sa kausap niya sa cellphone.

Nakaabang ako nang alisin niya ang gadget sa tainga niya. "Ano'ng sabi nina Jesuah?"

Tumigil kami sa tabi ng highway para makapagpahinga sandali. Kumain na rin kami ng late dinner na take-out sa isang restaurant na nadaanan namin. The traffic going north was still bad, even though it's nearing midnight. Mukhang uumagahin kami sa kalye.

Umalis si Ivan sa pagkakasandal sa katawan ng Potchi van at nag-inat. His shoulders and arms must be sore. Hinihilot-hilot niya buong biyahe. Hindi naman nakapagtataka dahil ilang ulit akong ipinabuhat sa kanya nina Lolo Andy (Lolo nila), Ena (isa sa mga photographers namin), at Daddy papasok sa bahay namin sa compound 2. Ipinabuhat din ako kahapon after the wedding.

A Whiff of Chocolate (Candy Series Special) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon