Fairytale 1: (New Era)

5.3K 118 3
                                    

Ayen's POV

4 years. 4 years have passed.

Sa loob ng apat na taon na yan mejo natahimik na rin ang buhay namin. Sa pag-alis ni Ara inaakala naming makikita naming muli si Ian pero never na talaga siyang nagpakita.

Kamusta na nga ba kami after 4 years?

Well kaming mga naiwan dito. Never ng nagsuot ng maskara. Nagbagong buhay na kami at hindi na kami Gangsters. Wala na rin Gang Ass dahil sa nangyari noon.

Ako? Professional photographer na at sikat na models sa Pilipinas na ang kinukuhanan ko ng Pictures. May mga nagsasabi nga na sana daw ay nagmodel nalang ako pero inayawan ko.

Mas matured na ako mag-isip ngayon.

Pero alam niyo yung hindi nagbago?

Yung nararamdaman ko para kay Onyx. 4 years pero still siya parin, I tried dating other guys pero pag tatanungin na nila ako about commitments? Nirereject ko na sila. Hindi ko pa pala kaya.

Alam niyo kung ano ang nakakatawa? Yun yung katrabaho ko si Ayesha na Photographer rin. Lagi siyang sinusundo ni Onyx. Ako naman nagkukunyari na hindi nasasaktan.

Pero sa tuwing nakikita ko sila, Sumasakit yung puso ko.

"Uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Sapphire. New friend ko at isa siyang model dito sa The Lerago's. Ang company kung saan ako nagtatrabaho.

"Oo. Hinihintay ko lang si Nicollo." Sagot ko sa kanya.

Oo nga pala, This past few years, Si Nicollo na ang naging bestfriend ko. Lagi kong kasama at hatid sundo niya ako. Aware ako sa nararamdaman niya for me, Hindi ko siya iniiwasan kasi kaibigan ko siya. Wala namang nagbago sa Friendship namin.

"Miss Sapphire. Hanap kayo ng manager niyo." Tawag ng make up artist ni Fire sa kanya. Screen name niya ang Fire. Her name is Sapphire Gyford.

"Ahh. Susunod na ako." Sabi ni Sapphire.

"Sige Ayen ah? Una na ako sayo. Bye." Nagbeso beso kami ni Fire at tuluyan na siyang umalis.

Ako naman ay nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko nung may biglang nagtakip ng mata ko. Alam ko na kung sino to. Napangiti ako.

"Amoy mo palang alam ko na no, Nicollo." Sabi ko at tsaka naman inalis ni Nicollo yung kamay niya sa mata ko.

"Tara na?" Yaya niya sakin.

"Sige tara." Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay kaming naglakad ni Nicollo patungo sa elevator. Sakto namang bumukas ito. Pinindot namin ang 1st floor.

Nasa 2nd floor palang ay bumukas na ang elevator at sumakay si Onyx habang naka kapit sa braso niya si Ayesha.

Nagulat ako nung bigla akong akbayan ni Nicollo at tsaka bumulong.

"Huwag mong tignan, Mas gwapo ako jan." Pabiro kong hinampas si Nicollo at napachuckle lang siya.

"Uuwi na kayo agad? Bakit hindi muna tayo tumambay somewhere?" Wika ni Sha sakin.

"May gagawin pa kasi ako. Marami pa akong i-eedit na pics." Nakangiti kong sagot sa kanya. Plastic smile.

"Awww. Sayang naman. Masyadong hectic schedule mo no sis? Buti nalang ako maluwag kaya may time kaming magdate ni Onyx." Eh pakialam ko ba? Nagtatanong ba ako?

"Nakakapagdate parin naman kami ni Ayen kahit papano." Hinalikan pa ako ni Nicollo sa ulo ko. Ewan ko ba kung namamalik mata ba ako oh talagang sumama ang tingin ni Onyx kay Nicollo.

"Kayo na pala ni Ayen?" Nagtatakang tanong ni Ayesha.

"Oo. Kahapon pa." Sagot ni Nicollo na nagpalaglag sa panga ng dalawa. Pati ako nagulat.

"Oh. Congratulations Ayen. Sa wakas nakamove on ka rin sa boyfriend ko." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Edi sila na ni Onyx ang tumagal ng 4 na taon.

"Oo nga eh. Natutuwa ako kasi hindi ako sinukuan ni Nicollo. Sana kami na forever. Wala nang break break. Diretso simbahan na." Pagkasabi ko niyan ay sakto na bumukas ang elevator.

"Halika na Nicollo, Nagbago na ang isip ko at gusto ko nalang pala makipagdate sayo." Sinadya kong iparinig sa dalawa yun.

Nang makalabas na kami ni Nicollo ay humagalpak kami ng tawa.

"Grabe ka Ayen. Talagang pinapamukha mong wala nalang yung nakaraan sayo." Sabi ni Nicollo.

"Hehe. Ganun talaga. The best revenge is slapping on their faces that I'm okay. I won't satisfy them watching me miserable." Sagot ko sa kanya.

Naalala ko tuloy bigla si Ara. Pati yung Line niya noon.

"Love is a serious mental disease."

Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya siya?

"Ayen." Napalingon ako nung tinawag ako ni Nicollo.

"Bakit?" Nakangiti kong sabi.

"Seryosohin nalang kaya natin? Maging tayo nalang kaya talaga?" Nagulat ako kasi sobrang seryoso niya.

Napalunok ako.

Mahal ko parin si Onyx. Malinaw yun. Ayoko namang maging rebound lang si Nicollo. Masyado siyang mabuti.

"Nicollo."

"Huwag mong isipin na ginagawa mo akong rebound. Actually you'll be doing me a favor." Napakunot ang noo ko. Panu naman magiging favor yun?

"Please be with me. You're my happiness Ayen. And I want to be with you kahit hindi mo ako mahal."

"Nicollo, I like you but as a friend. I don't want to take you for granted."

"It's okay. Please Ayen. Let me be with you."

"Nicollo--"

"Ayen please." Napabuntong hininga ako.

"Okay." Napangiti siya sa sinabi ko kaya agad siyang napayakap sakin.

"Thanks Ayen."

Onyx's POV

"Are you hurt?" Tanong sakin ni Ayesha habang nakatingin kami kila Ayen at Nicollo na kasalukuyang nagyayakapan sa parking lot.

"Apat na taon ko ng iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Sanay na ako." Malungkot kong sagot sa kanya.

"haaaay Love is really a serious mental disease. Naalala ko tuloy si Ara sa Line na yan." Napangiti ako. Kamusta na kaya si Ara.

"You know Ayesha, Nagpapasalamat parin ako kasi nanjan ka." Napangiti si Ayesha sa sinabi ko.

"Kung akala mo mapapainlove mo ulit ako. Hindi na po. Matagal na akong nakamove on sayo." Wika niya sakin kaya napachuckle kami parehas.

Napatingin ulit ako kila Ayen na ngayon ay nakapasok na ngayon sa kotse at pinaandar ito.

"Nakakatuwa no? Hindi naman natin mahal ang isa't isa pero wala tayong choice kundi magsama." Nagsimula nang maglakad si Ayesha. Sumunod ako sa kanya.

"Yeah right. Namimiss ko na si Ayen." Malungkot kong sabi kaya napatingin si Ayesha sakin at ngumiti.

"Naniniwala akong hindi matutuloy yun." Kumindat pa siya sakin kaya napatawa ako.

Sana nga Ayesha. Sana nga.

--------------------------------

Sorry wala munang Ara-Ian moment. Matagal tagal pa. Wala pa sa Pinas si Ara :-)

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon