Fairytale 29: (Ayesha and Nicollo)

3.1K 74 0
                                    

Nicollo's POV

Ganun ba talaga ang mga babae? Ang hilig magpalate pag may date?

Bakit si Ayen noon hindi naman ganito katagal? Haay. Mag kaibang magkaiba talaga sila ng kapatid niya.

"Hi." Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko and saw Ayesha na naka flowery dress.

Wow. Ang girly niya tignan.

"Ang tagal mo." I said. She pouted.

"Nagrereklamo ka na ngayon?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Pakataray nanaman to.

"Bakit ba kasi ang tagal mo?"

"Duh. Normal lang sa babae ang maging matagal no." Pagdedefend niya sa sarili niya.

"Eh bakit si Ayen noon, Hindi naman." Kunot noo kong tanong. And for a second, Parang gusto kong bawiin bigla yung sinabi ko. Kita kasi sa mukha ni Ayesha na naoffend siya.

"Sorry if I'm not Ayen." Sabi niya sabay tungo.

Sh*t Nicollo! Ang gago mo lang!

Matagal na kaming naghahang out ni Ayesha. Simula nung araw na parehas naming nilet go si Ayen at Onyx.

And yeah, we're dating.

"Sorry." I murmured. She looked at me and smile bitterly.

"I will never be Ayen. I will never be as angel as my sister." Sabi niya pa.

And now. Guilt is killing me.

"I don't mean to compare you---"

"No. I know. I know. You're expecting me to act like my sister cause obviously. You are still into her. You still love her."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. For sure naman. Pag sumagot ako kay Ayesha ngayon, Matatalo lang ako dahil pinanganak na debater ang isang to.

Habang nasa sasakyan kami, Hindi niya ako kinikibo. Hindi siya nagsasalita. Kadalasan naman madaldal siya pero ngayon hindi na.

Nakakaguilty tuloy lalo.

"Dadaan muna tayo sa Seven Eleven ha?" Sabi ko sa kanya at tumango lang siya sakin.

Dumaan muna kami sa seven eleven at doon bumili ng mga pagkain. Napag-isipan ko kasing magpicnic kami ngayong date namin.

Tumungo na ako sa sasakyan at nilagay sa compartment ang mga nabili ko bago pumasok muli sa kotse. Ganun parin ang sitwasyon, Hindi parin ako kinikibo ni Ayesha.

Dinala ko siya sa isang parke. Ako na ang nagdala ng banig pati na rin yung mga plastic bags na dala ko.

Naglatag kami sa damuhan at inayos doon ang mga pagkaing pinamili ko.

Nagsimula na siyang kumain ng hindi man lang ako kinakausap. Ito ang pinaka awkward date ever. Ni hindi man lang niya ako kibuin.

"Ayesha. Kibuin mo naman ako." Pambabasag ko ng katahimikan.

Tinignan niya lang ako ng seryoso.

"Baka kasi mamaya, Pag inimikan kita, may masabi nanaman akong ayaw mo. Nakakahiya naman kasi sa expectations mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Dinamdam niya ba talaga yung kanina?

"Sorry na kasi Ayesha. Sorry na." Binitawan ko ang iniinom kong soda at hinawakan siya sa kamay.

Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko.

"N-nicollo a-no bang---." Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya, Niyakap ko na siya agad.

Ayesha's POV

Nakayakap parin sakin si Nicollo. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan ng loob ko na nakayakap siya sakin ngayon.

"Bati na tayo ha? Pasensya na sa nasabi ko kanina." Sinabi niya yan pagkabitaw niya sa yakap.

Nginitian ko nalang siya at hindi na nagsalita.

Inubos na namin ang mga pagkain namin. Matapos naming magpicnic ay bumalik na kami sa kotse niya.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa Gang Ass?" Tanong ko sa kanya at mukhang nagulat naman siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Gusto ko lang." Kibit balikat kong sagot.

Ni U-turn niya ang sasakyan at tinahak namin ang daan patungong Gang Ass.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ni Nicollo nung nasa loob na kami ng Gang Ass. Walang katao katao dito, Hindi na kagaya noon na laging puno ng mga gangsters at puno ng ingay.

"Gusto ko lang dumalaw." Sabi ko bago maglakad sa patungo sa arena kung saan kami naglalaban noon.

Mula sa arenang ito. Tanaw na tanaw mo ang opisina ni Gang Master.

"Nicollo."

"Bakit?"

"Akyat ka rito." Utos ko kaya naglakad siya paakyat sa arena na kinatatayuan ko.

"Bakit ba?" Tanong niya nung makaakyat na siya.

Ngumiti ako sa kanya tapos nagsalita.

"I need a warm up. Can you help me with it, Masquerade?" I smirked. Mukha siyang nagulat sa inasal ko pero ngumiti rin naman agad.

"Yeah sure. Former Gang Ass queen." Sagot niya.

Sumugod ako sa kanya para bigyan siya ng isang sipa pero napigilan niya ang paa ko. Binaba niya ang paa ko tapos ay umikot at tumungo sa likod ko. Akma niyang hahawakan ang bewang ko pero umikot rin ako para harapin siya at pilipitin ang kamay niya.

Napaaray siya.

Using his free hand. Hinawakan niya ang kamay ko na pumipilipit sa kamay niya tapos ay umikot kaya nawala siya sa pagkapilipit ng kamay niya.

Ngumigi siya sakin.

Susuntukin ko na sana siya pero pinigilan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya tsaka niya ako hinapit sa bewang.

"Lakas ng trip mo." Natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

"Ayesha." Tawag niya sakin.

"Hmm?" Sagot ko. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa tapos nagbitaw ng mga salita na nagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko.





"Teach me how to love you"

------------------------------------

Picture: Ayesha Freyan.

Sorry short. I'm suffering from WB. Please bear with me. T.T

TGL2: Black FairytaleWhere stories live. Discover now