Fairytale 31: (Together Again)

3K 80 4
                                    

Kaira's POV

Hindi ako umiimik habang nandito ako sa kotse ni Andrex. Nakacross arms lang ako at nakasimangot habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko kinikibo si Andrex.

"Kaira." Tawag niya sakin pero hindi ko parin siya tinignan. Nanatili akong nakatingin sa labas.

Kaasar naman kasi si Ayen. Bakit ba dito ako pinasabay?

"HOY!!! IBANG RUTA NA TO AH?? SAAN MO AKO DADALHIN?" Tanong ko kay Andrex nung mapansin kong umiba siya ng daan at hindi iyon pauwi sa bahay.

"May ipapakilala ako sayo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sino namang ipapakilala niya sakin?

"S-sino?" I asked.

"Basta." Seryoso niyang sabi.

Hindi nalang ulit ako umimik.

Napansin kong nasa subdivision na kami nila Andrex kaya naisip kong baka dadalhin niya ako sa baha----WAIT???

Nilingon ko siya.

"Dadalhin mo ba ako sa bahay niyo??" Tanong ko sa kanya.

"Yep." Walang kaamor amor niyang sabi.

"At bakit?? Akala ko ba ayaw sakin ng parents mo? Tapos dadalhin mo ako dun? Kaya ka nga pinaengage sa iba diba? Ayoko!!! Iuwi mo na ako!!!" Pagrereklamo ko pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy parin sa pagdadrive.

"Shut up or hahalikan kita. Yung torrid." Napatikom lang ako nung sabihin niya yan. Kapal talaga ng mukha ng taong to. Nakakainis. Big time!

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay nila.

Pinapasok siya sa gate nila tapos pinark niya ang sasakyan niya sa Garahe.

Pagkapark niya ay bumaba na siya tapos umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Baba na Kaira." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Pero nagulat ako nung siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko tapos binuhat ako ng pambaboy na buhat.

"Ano ba Andrex!! Ibaba mo ako!! Letse!!" Pagaalpas ko sa kanya. Pero patuloy parin siya sa pagbuhat sakin.

Pinasok niya ako sa bahay nila. Pinagtitinginan pa kami ng mga katulong.

"Asan sila?" Tanong ni Andrex sa isang katulong habang buhat buhat parin ako.

Ang awkward na ng posisyon ko.

"Nasa opisina po ng daddy niyo." Sabi ng Katulong.

"Nice to see you again Miss Kaira. Ilang linggo na po kasi kayong di dumadalaw eh." Sabi ng katulong sakin tapos umalis na.

"Pwede bang ibaba mo na ako Andrex?" Sabi ko kay Andrex.

"No." Sabi niya at naglakad na paakyat.

Sheeez. Ako ang nahihiya dahil sa ginagawa ng baliw na to. Kung di ko lang siya ma---Nevermind.

Pumasok siya sa isang pinto.

"Oww. Haha. Ang cute naman ng pagkakadala mo ng girlfriend mo dito." Rinig kong sabi ng isang babae. Hindi ko makita dahil nga sa buhat buhat parin ako ni Andrex.

"Ano ba yan Andrex. Bakit ganyan mo dinala ang girlfriend mo? Ibaba mo nga siya." Binaba na ako ni Andrex at nung maibaba na niya ako ay hindi ako nagdalawang isip na sabunutan siya at pinagpapalo ko pa.

"Bwisit ka!! Bwisit ka!! Nahilo ako dun!!! Nakakaasar ka!! Asar ka talaga!!!" Sinasabi ko yan habang pinagpapalo ko siya.

"Aray. Aray Kaira!!!"

"Bwisit bwisit ka!!! Nakaka-Aaahhh. Ano ba Andrex!!!" Sigaw ko kasi bigla ba namang hinuli yung dalawang kamay ko tapos pinaikot ako kaya nakatalikod ako sa kanya at parang nakayakap siya sakin.

Dun ko lang napagtanto na nandito pala kami sa opisina ng dad niya. Nandito ang mommy niya, Daddy niya at isa pang babae na pamilyar sakin.

Bigla naman akong nahiya. Talagang gumawa ako ng live action sa harap nila?? Gaaah!! Nakakahiya!!!

"Ahmm.Hehe, hello po." Awkward kong sabi. Binitawan naman na ako ni Andrex.

"I see. Kakaiba ka talagang babae miss Park. No wonder pinaglalaban ka ng anak ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng dad ni Andrex.

Hindi ito yung first time na nakausap ko siya. Hindi naman siya yung terror kung titignan eh.

"Ah hehe." Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Nabigla ako nung lumapit sakin yung mommy ni Andrex tapos bineso beso ako.

Ano ba talagang nangyayari? Bakit ba ako dinala ni Andrex dito?

Tsaka, Sino tong babeng nandito?

Napansin ata nung babae na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya sakin.

"Hi. I'm Lyssa Amanda Sy. I bet you knew me already." Nakangiti niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko bago ako mapatingin kay Andrex.

"B-bakit mo ba ako dinala dito??" Tanong ko kay Andrex.

"Mag-eexplain ako. Hindi ako papayag na mawala ka nalang sakin ng hindi mo man lang nalalaman ang totoo." Napahinga siya ng malalim.

"Alam kong hindi ka makikinig sakin kaya si LA nalang ang mag-eexplain sayo." Wika niya pa.

Bigla namang lumapit si LA sakin.

"Alam mo kasi Kaira. Hindi naman talaga kami engage ni Andrex. Though, nung una gusto ko siya kasi sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Unang tingin palang perfect na." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hindi pa naman pumayag si Andrex at kahit anong pilit sa kanya ng parents niya pati na rin ng parents ko, Ayaw niya talaga at pinagpipilitan niyang ikaw ang gusto niyang pakasalan. I admire him for that. Siya yung tipo ng taong may paninindigan talaga. You know, Hindi naman ako yung mga kontrabida na mang-aagaw. I know what is right from wrong. Kaya please lang. Balikan mo na si Andrex dahil nababaliw na yan nung nawala ka sa kanya. Nakausap ko na rin sila Mommy at hindi na nila ako ipupush kay Andrex." Nakangiti niyang sabi bago ko balingan ng tingin ang mommy at daddy ni Andrex na nakangiti sakin.

Tinignan ko si Andrex na nakatingin ng seryoso sakin. Ang intense. Parang hinihintay ang sasabihin ko. Napalunok ako.

"S-sige na nga. Pasalamat ka namiss kita." Wika ko sa kanya at bigla naman niya akong niyakap.

"Awww. Sana makahanap din ako ng guy for me." Rinig kong sabi ni LA.

Napangiti lang ako.

------------------------------------

Picture: Lyssa Amanda Sy.

Sorry kung matagal magkamoment sila Ara at Ian. Sila na ang next. Hahahaha

Vote and Comment.

TGL2: Black FairytaleWhere stories live. Discover now