Epilogue

4.8K 106 12
  • Dedicated kay ToAllTheReaders.ILY:*
                                    

Dale's POV

It's been 3 months simula nung natapos ang Great War. Panatag na ulit lahat.

Si Daddy na ang may-ari ng mafia. Pero hindi niya to ginagamit sa kasamaan. Magkasama na ulit sila ni mommy.

Si Tita Ana, Nasa New York na. Alam na niya lahat. Sobrang tuwa niya nung malamang buhay si mommy.

Ayos na ulit ang lahat.

Pero di ko paring maiwasang malungkot sa nangyari 3 months ago. Masakit parin.

Pero kailangang ituloy ang buhay.

Kakagaling ko sa office at dumiretso ako dito sa sementeryo para dalawin siya.

Agad ko namang naabutan si Ian na nakaupo na sa tapat ng lapida.

"Bro." Tawag ko kay Ian.

Napatingin naman siya sakin. Ngumiti siya ng mapait.

"Nakakalungkot ano?" Sabi niya. Inilagay ko ang bulaklak tapos tumingin sa lapida.

"Nakakamiss pala siya? Kahit ganun siya. Kahit brutal siya." Sabi ni Ian. Tumango lang ako sa kanya.

"Pero ang mahalaga. Ayos na lahat." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.

Hinawakan ko ang lapida at binasa ang nakasulat doon.

Arnolfo G. Kim
Born: August 16, 1949
Died: November 9, 20××

"Sana panatag na si Lolo." Sabi ni Ian na nakatingin din sa lapida.

"Sana nga. Pero alam mo? Kahit na napakasama niya, Mahal ko parin siya kasi lolo natin siya. Pero napasobra ang kasamaan niya kaya dapat nating putulin na." Sabi ko naman sa kanya. Tumayo na siya at pinagpag ang pantalon niya.

"Una na ako bro, Pupuntahan ko pa si Amber." Tumango ako sa kanya.

"Sigurado ka na talaga sa plano mo no?" Tanong ko.

"Ayaw ko na siyang mawala sakin. Nakakatakot. What happened 3 months ago is a big thing." Tinamaan na talaga ang kapatid ko.

"Sige. Sana pumayag si Amber jan sa plano mo." I said.

"Thanks bro." Sabi naman niya at nakipag fist to fist sakin.

After nun ay umalis na siya.

Ako naman ay tumingin ulit kay Lolo.

"Binata na ang apo niyo lolo." Ako kaya? Kelan ko siya matatagpuan? Tumayo na ako at umalis para makapaghanda na rin.

Ian's POV

Dali dali akong pumunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Amber.

Sa jewelry shop na pag-aari niya.

Tinawagan ko na siya at sinabing nasa labas na ako ng Jewelry shop niya.

Maya maya ay nanjan na siya.

"Oh? Bilis ah! Namiss mo naman ako niyan?" Nakangisi niyang tanong sakin. Ngumiti lang ako.

"Asa. Oh ano na? Tapos na yung pinapagawa ko?" Tanong ko at tumango siya sakin. Naglabas siya ng isang maliit na box at pinakita niya sakin ang laman nun.

Ngumiti ako at inabot ang bayad kay Amber pero di niya tinanggap.

"Di na kailangan Ian. Natutuwa akong nakatulong ako sa inyo. Bayad ko na rin yan sa nagawa ko 3 months ago. Tsaka, naging kaibigan ko naman na rin siya. Tinulungan niya parin ako noon kahit halos magpatayan na kami." Nakangiting sabi niya. Napangiti ako.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon