Chapter 13

4.2K 82 3
                                    

(Kianna's POV)

"Yana,sorry" napatingin ako kay Ken.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sa kanya, panira eh ayos na sana kami ni  Nathan pero mukhang babalik na naman kami sa dati dahil sa walang hiya niyang kaibigan.

"Sorry na, ginawa ko lang iyon para pagselosin siya at mukhang ganon nga ang nangyari" nanliliit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"Baliw kaba, si Nathan magseselos?" Kunwaring manghang mangha na pagtatanong ko pero sa kaloob looban ko ay nagdidiwang na ako sa iisiping nagseselos siya, ibig sabihin ba noon may nararamdaman narin siya para sa akin?

"Malay natin diba, sa ganda mong taglay lahat ng lalaki ay magkakagusto sayo" pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa narinig.

"Ewan ko sayo umuwi kananga" kunwaring inis na pagtataboy ko sa kanya para mapagtakpan ang pamumula ng pisngi ko. Tinulak tulak ko pa siya palabas ng bahay pero dire diretso siyang naglakad paupo sa couch sabay higa

"Huwag kang maingay, matutulog ako" napanganga naman ako sa inasal niya, napakakulit talaga. Nang pumikit na ang mga mata ni Ken ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahang umakyat na sa taas.

Papasok na sana ako sa kwarto pero dumako ang mga mata ko sa pinto ng kwarto kasunod ng sa akin. Muntik ko nang makalimutan baka hindi pa pala nakakain si Nathan pero paano ko siya tatanungin kung mukhang galit na naman siya? Haiisst, bahala na nga!

"Nathan" kumatok ako sa pinto ng kaniyang kwarto pero hindi siya sumasagot.

"Nathan" mas nilakasan ko pa ang pagkatok pero ganoon parin, no response.

"Nathan papasok na ako ha" hindi ko na hinintay ang pagtugon niya, binujsan ko na kaagad ang pinto at pumasok bumungad sa akin si Nathan na nakaupo sa couch gulong gulo ang buhok niya at hindi parin siya nakakapagpalit ng damit, bahagya ng nakabukas ang tatlong butones ng kanyang polo at maluwag narin ang pagkakalagay ng neck tie, nakasapo ang ulo niya sa kanyang mga palad na nakapatong sa tuhod, pinag isipan ko tuloy kong tutuloy pa ba ako o lalabas nalang pero baka hindi pa siya naka kain.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya na para bang pinipigil ko ang aking paghinga.

"Bakit ka nandito?" napatigil ako sa paghakbang ng biglang umangat ng ulo si Nathan.

Lumunok muna ako bago humarap sa kanya.

"A-ah kasi tatanungin lang sana kita kung n-nakakin kana" umiwas siya ng tingin sa akin at bumalik sa pag kakaub ob. Hala may nasabi ba akong mali?

"Iyon lang ba?" malamig niyang tanong sa akin, na para bang may iba pa siyang inaasahan sa pagpunta ko rito sa kwarto niya.

"At iyong nakita mo kanina--" sinadya kong putulin ang pagsasalita dahil nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba.

Muling umangat ang ulo niya at diretsong tumingin sa akin.

"Obvious naman ang nakita ko kanina,maghahalikan  na nga lang--"

"Mali ang iniisip mo Nathan" pagpuputol ko sa dapat na sasabihin niya, so ganon pala ang iniisip niya na maghahalikan kami ni Ken.

Lumapit ako sa kanya para tanggalin ang kaniyang sapatos

"Nag alok siya na tutulungan niya ako pero tumanggi ako at iiwas na sana pero nagkamali ako ng galaw at sa ganoong posisyon mo kami naabutan" hawak hawak ko ang dalawa niyang paa at tumingin sa kaniya na nakatingin rin pala sa akin tingin na parang sinusuri sa mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Pero mas pinili mo pa rin si Ken, dahil hindi mo ako kaagad sinundan noong tinalikuran ko kayo" nagulat ako sa mga salitang lumabas sa ka bibig nya, para siyang batang nagtatampo.

"Kinausap ko lang siya, tapos nang makatulog na siya sa Couch umakyat na ako dito para puntahan ka" geezz ang hirap naman palang suyuin ng lalakeng ito, naramdaman ko ang mga kamay niya na hinawakan ang dalawa kong kamay at unti unti akong hinila pataas hanggang mapaupo ako sa kaniyang kandungan. Sa sobrang gulat ay aalis na sana ako pero mabilis niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko.
Sunod sunod akong napapalunok habang nakatingin sa kitang kita niyang dibdib.

"So it means na pinatulog mo siya?" Tanong niya sa akin, nanlalaki ang mga mata ko hindi dahil sa tanong niya kundi sa mga kamay niyang marahang humahaplos ng paitaas at paibaba sa bewang ko.

"H-hindi" simpleng sagot ko dahil kung pahahabaun ko pa ang pagsasalita ko baka hindi ko na mapigilang magpakawala ng ungol dahil sa ginagawa niya.

"Sa susunod na makita kitang kasama si Ken o kahit na sino mang lalaki, I will punish you, parusa na sisiguraduhin kong hahanap hanapin mo" tila nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan as in lahat lahat dahil hindi ko alam kong anong klase ba ng parusa ang gagawin niya sa akin at sino namang tanga ang hahanap hanapin ang isang parusa.

"Understand?"

"Y-yes" naging ungol ang tono ng pagtugon kong iyon dahil sa bigla niyang pagpisil sa aking pang upo.
Napangisi siya sa inasal ko habang ako naman ay nagpipigil ng hininga.

"N-Nathan kumain ka na muna" biglang pagsambit ko para mapigilan ang ginagawa niyang paghaplos sa kung saan saan at baka mamaya saan pa umabot.

"Ikaw nalang ang kakainin ko" nahampas ko siya sa balikat dahil nagsisimula na naman siyang mang akit, hindi niya ba alam na dahil sa malanding pang aakit niya kaya ako bumigay sa unang pagkakataon.

"Bro? Yana?" Parehong nanlaki ang mga mata namin ng marinig ang boses ni Ken.

"Akala ko ba tulog ang isang iyon?" Parang gulat na usal ni Nathan

"Tulog iyon ng iwan ko sa baba"
Hindi sumagot si Nathan dahil parang nag iisip siya at naramdaman ko na lang ang pagtayo niya kasama ako.

"Nathan!" Singhal ko sa kanya dahil sa pagkabigla.

"Shhh, don't make any noise" bulong niya at nanlaki ang mga mata ko kung saan kami pumasok. Sa cabinet.

"Bro, nandiyan ka ba?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya kabado akong tumingin kay Nathan.

"Baka makita niya tayo" kabado kong bulong sa kanya. Pero nagulat ako ng isinandal niya ako sa pader ng cabinet at lalong idinikit sa akin ang katawan niya. Ang awkward ng posisyon namin dahil buhat buhat niya ako at nakasampay sa bewang niya ang dalawa kong hita ramdam na ramdam ko tuloy ang nabububay niyang alaga.

"Did you feel it" bulong niya sa tenga ko at mas lalo pang idinikit ang katawan niya sa akin.

"Nagugutom na siya at kung hindi pa umalis si Ken ay ikaw ang kakainin ko dito mismo" hindi ako makakilos dahil natatakot ako na baka umuga ang cabinet at malaman ni Ken na nandito kami. Pero sana naman makisama  si Ken sana umalis na siya para hindi ako ang gawing hapunan ni Nathan at nang junior niya.

*TSUP*

"Namumutla ka" nawala ang kaba ko ng hinalikan ako ni Nathan sa labi.

Dahil sa ginawa niya ay naramdaman ko na ligtas ako sa mga kamay niya, pero sana hindi na magbago iyon.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon