Chapter 40

360 10 0
                                    


(Kiana's POV)



"Baby do you want to see your kuya Tristhan?"tanong ko sa kambal habang nakaupo kami sa kama.

" May kuya po kami mommy?" Di makapaniwalang tanong ni Leigh. Ngumiti ako at hinaplos ang kanilang mga ulo.

"Yes baby malaki na siya ngayon at malapit niyo na siyang makita" naputol ang pagsasalita ko ng pumasok sa kwarto si Drake.

"Nathan is here Kia" di ko mahimigan kung masaya ba o malungkot ang boses niya. Inutos ko muna sa yaya na ayusin ang mga gamit ng kambal at paliguan narin sila kaya naiwan kaming dalawa sa loob. Lumapit si Drake at umupo sa kama. Tiningnan niya ako ng matagal at malungkot na ngumiti

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" malungkot niyang sabi habang nakayuko. Inangat ko ang mukha niya at pinanggigilan sa pisngi.

"Pasensya na Drake ha, alam mo naman diba kung gaano ko kamahal si Nathan " kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata

"Kung sa kaling magbago ang desisyon mo bumalik ka sakin ha" Marahan akong tumango

"Mag ayos kana bago kapa akyatin ng asawa mo dito"tatawa tawa siyang tumayo sa kama at naglakad palabas sa kwarto habang ako ay nakakaramdam ng sobrang saya at the same time kinakanabahan. Kahit halo halo ang nararamdaman ay mas pinilit ko paring tumayo at nagtungo sa banyo.

.......

Pababa na ako sa hagdan at nakita ko agad si Nathan na prenteng nakaupo sa sofa kasama ang kambal. Ng makita niya ako ay tumayo siya at sinalubong ako.

" Good morning" kinuha niya ang mga dala kong bag bago ako kinindatan na siyang dahilan ng pag wala ng puso ko.
Jusko po ang lalakeng to malantod parin hanggang ngayon.

"Good morning" bati ko sa kanya pabalik. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya napangiti narin ako.

"Let's go?" tumango ako at hinawakan sa magkabilang kamay ang mga anak ko.

Kabababa lang namin sa airplane at hinihintay namin si Mang Lando. Nakaupo ang kambal sa luggage namin at hawak hawak ni Nathan ang mga kamay nila. Napako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. I really missed him! So much.

"Wife"napabalikwas ako ng pisilin ni Nathan ang pisngi ko.

"Are you okay? Gutom ka na ba?"tanong nya sa akin.

Bakit ganito? Bakit bawat buka ng bibig nya ay nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam.

"Hey"mahina nyang pagtawag sa atensyon ko. Pasimple naman akong lumunok at kumurap kurap.

"H-ha y-yes I'm fine baka may jet lag lang ako hehehe"hays bakit ba ako nauutal para naman akong dalaga sa inasal ko.

"Why are you stuttering?" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha nya. Nag iisip pa ako ng pwede kong idahilan buti nalang biglang dumating si Mang Lando.

"Sir pasensya na po medyo traffic eh"tumango lang si Nathan at nilapitan ang kambal.

"Babies let's go?"inakay nya ang kambal at isinakay sa van. Kinuha naman ni Mang Lando ang mga bagahe namin at isinakay sa likuran.

"Mommy" maarteng tawag sa akin ni Nathalie ng makitang sa likurang bahagi ng van ako pinaupo ni Nathan. Nakaupo kasi silang dalawa ni Nathaniel sa second seat at masyadong masikip kung apat kami ang uupo don.

"Can I sit next to you and daddy?" Nakangusong tanong nya. Akmang kukunin ko na sya ng nagsalita si Nathaniel.

"Tss stop it Leigh you're so annoying just sit down and let Mom and Dad have time"napaawang nalang ang bibig ko sa sinabi ni Nathaniel. Ang anak kong to hindi mo talaga aakalaing pitong taon lang kung magsalita.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon