Chapter 22

3.3K 71 11
                                    


(Kianna's POV)

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong umalis si Nathan at sa loob ng dalawang araw na iyon wala akong ginawa kundi ang maghintay sa mga text at tawag niya pero ni isang I miss You man lang ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Pilit ko namang sinasabi sa sarili ko na nasa States siya para sa appointment pero minsan hindi ko rin maiwasan na isiping sa mga oras na ito ay mayroon ng mga babaeng nagpipiyesta sa katawan niya. Sunod sunod kong iniling ang ulo ko. 

"Calm down Yana, calm down busy lang talaga si Nathan"

pagpapakalma ko sa aking sarili. Mariin akong pumikit at nagpakawala ng isang napakalakas na pag buntong hininga. Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa veranda ng kwarto namin ni Nathan, napakalamig na hangin ang sumalubong sa akin, pumikit ako para lalong singhapin ang malamig na simoy ng hangin.

"I miss you so much babe" pagbanggit ko sa kawalan habang nakapikit parin. Sana kung nandito lang siya hindi sana ako manlalamig ng ganito. Napabalik ako sa huwisyo ng biglang tumunog ang cell phone ko
tila para akong muling nabuhayan ng loob. Nagmadali akong pumasok sa kwarto at walang tinginang sinagot ang call.

"Babe I miss you---"

"Yana its me, Ken" ang kaninang ngiti sa labi ko ay unti unting napawi at napalitan ng simangot. Akala ko si Nathan na pero mali na naman pala ako. Hanggang kailan ko ba kailangang maghintay para sa mga texts and calls niya? Ganon ba kalaki ang galit niya sa akin at natiis niya ng dalawang araw na hindi manlang naririnig ang boses ko. As I remember kapag nasa trabaho siya oras oras niya akong tinetext at tinatawagan para kamustahin ako, kaya sa sitwasyon ngayon alam kong galit talaga siya sa akin dahil natiis
Niya ako sabagay maraming mga babae sa States ang mas maganda pa kaysa sa akin, mayayaman, at m-mas magugustuhan niya. Naramdaman ko ang pang iinit ng aking mga mata kaya yumuko ako dahilan para makita ko ang pagpatak ng aking mga luha sa sahig.

"Why I am crying?"

Umiiyak ba ako dahil Hindi ko kayang magalit siya sa akin? O umiiyak ako dahil natatakot akong ipagpalit niya ako sa ibang babae roon sa States.

"Hello Yana are you still there?" Ngayon ko lang napansin na nasa kabilang linya pa pala si Ken. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi at kinagat ang aking pang ibabang labi para hindi marinig sa kabilang linya ang mga hikbi ko.

"Y-yes Ken bakit ka nga pala napatawag?" Pinilit kong maging buo ang boses ko pero sadyang traydor ito dahil nabigo ako.

"Wait! Are you okay? Why are you crying?" Tuluyan na talaga akong bumigay mas lalo pang lumakas ang mga hikbi ko at mas tumulo pa ang mga luha ko.

"K-ken tumawag naba sayo si Nathan?" Humihikbing pagtanong ko sa kaniya pero narinig ko lang ang malakas niyang pagbuntong hininga

"Ahhmmmn---"

"May inililihim karin ba sa akin Ken?" Pagpuputol ko sa dapat niyang sasabihin.

"W-wala, wala kaming inililihim sayo Yana. Ah sige na Yana may gagawin pa kasi ako eh" bago pa ulit ako makapagsalita at narinig ko na ang pag end call.

Bakit ganon? Bakit pakiramdam ko mayroon talaga silang itinatago sa akin. Haisst sa halip na mag mukmok ako dito sa mansyon mas mabuti pa sigurong pumunta nalang ako sa Mall para man lang malibang ko ang sarili ko.

Nang matapos kong ayusan ang sarili ko bumaba na ako at lumabas ng mansyon. Hindi naman ako marunong magdrive kahit nandyan ang kotse ni Nathan kaya no choice ako kundi ang maglakad hanggang sa gate ng village. Bakit ba kasi napaka private ng village na ito at pati mga taxi Hindi allow na pumasok dito? Haiisst tuloy maglalakad pa ako palabas.

Pero habang naglalakad ako pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko kasabay ng siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon