Chapter 39

5K 110 75
                                    

(Kianna's POV)

Nasa labas palang kami ng bahay ay rinig na rinig na namin ang boses ng kambal. Napasinghap ako ng hinawakan ni Nathan ang kamay ko at akmang papasok na sa loob pero pinigilan ko siya.

"Nathan please don't be rush. Wag muna nating biglain si Drake hayaan muna nating pumasok tayo sa loob ng hindi magkadaop ang ating mga kamay" nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binitiwan ang kamay ko.

"Just for now dahil sisiguraduhin ko na maiilabas ko kayo sa bahay na to Wife"

"Yes Nathan"

Nauna na akong naglakad papasok sa bahay at muntik na akong mapasigaw ng makita ko si Drake na kampanting nakaupo sa sofa habang nasa tabi niya ang kambal. Parang may kirot na gumuhit sa puso ko habang nakatingin sa kanila. Hindi malapit sa kanya ang mga anak ko pero ginagawa niya parin ang lahat ng makakaya niya para mapalapit sa mga ito.

God huwag niyo pong pabayaan ang lalaking ito.

"Kia kanina ka pa ba diyan.?Mukhang nakakita ka ng multo ah" pabirong sabi ni Drake.

"Mommy" sigaw ng kambal at nag unahang tumakbo sa akin. Kiniss ko sila sa kanilang mga pisngi.

"Hmmmm I miss my babies" paglalambing ko sa kanila at hinalikan rin nila ako ng sabay sa magkabilang pisngi.

"Ang sweet naman. Can I join?" Tumayo si Drake at lumapit sa amin, akmang yayakapin kaming tatlo ng biglang pumasok si Nathan at mabilis na humarang sa daan ni Drake. Bigla nalang akong kinabahan habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa pati na rin sa kambal.

"Daddy" tuwang tuwa na sigaw ng kambal sabay yakap sa binti ni Nathan. Napatingin ako kay Drake na bahagya ng nangungunot ang noo tila ay naguguluhan sa nangyayari.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta alam ko lang na sa ano mang oras ay magkakainitan ang dalawang lalaki sa harapan ko.

Mabilis akong lumapit sa kambal.

"Baby pumunta na muna kayo sa room niyo manood kayo ng favorite niyong cartoon" utos ko sa kambal.

"But mommy I want daddy" pagreklamo ni Nathalie

"Mom I also want to play with dad" ngumuso narin si Seth kaya tumingin ako kay Nathan na parang humihingi ng tulong na kumbinsihin ang kambal

"Later babies sundin niyo muna si mommy ha" dahil sa sinabi niya ay bumitaw na sa kanya ang kambal at sumama sa akin paakyat sa taas.

"Mommy bakit parang may mali between daddy and tito Drake hindi ba sila magkabati? Magkawar po ba sila?" usisang tanong ni Leigh pagkarating namin sa kwarto nila.

"Wala baby. May importante at kailangan lang silang pag uusapan kaya dapat behave kayo ha" tumango naman silang dalawa. Ng kampante na ako sa lagay ng mga anak ko ay naisipan ko ng lumabas at bumaba.

(Nathan's POV)

"Why are you here Mr. Altamirano" tanong sa akin ni Drake ng mawala sa paningin namin si Kianna at ang kambal.

Ngumiti ako ng sobrang lawak.

"To say thank  you and to retrieve what's mine. My properties" kumunot ang noo niya

"Naguguluhan ako diretsuhin mo na ako at ano yung tinutukoy mong sayo?"
Kung yon ang gusto niya, okay.

"Kianna is my wife. And I'm the father of the twin. And I'm here to pick them up--" hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng tumama na ang kamao niya sa pisngi ko

"Asshole! Hindi sasama sayo si Kia hinding hindi" galit na sigaw niya habang nakayukom ang mga kamao. Hindi ako lumaban dahil wala ako sa teritoryo ko. Pinunasan ko nalang ang labi ko na nag uumpisa ng dumugo.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon