-----
Hindi ko na natapos pa ang pag-eensayo para sana sa broadcast ng grupo namin bukas sa isang music show, kinailangan kong magpaalam kina S.Coups para sundan si Kalih na nakita kong mabilis na lumabas ng practice room kasama namin.
She looks upset, kanina ko pa iyon napansin. Simula nang makita ko silang pumasok ni Woozi. Parang may dinaramdam siya dahil sa klase ng tinging binato niya sa akin kanina pagkakita niya sa akin.Malungkot ang ekspresiyong nabasa ko sa mga mata niya kahit pa nakita ko siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin.
Matagal ko na siyang kilala at sapat na ang mga panahong iyon para malaman ko kung kailan siya problemado o may dinaramdam. Lalong-lalo na kung kailan siya malungkot,
unang tingin ko pa lang sa kanya kanina ay alam ko nang may nangyaring hindi maganda.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.
Hindi ko na rin hinintay pang sumagot si S.Coups dahil kinailangan ko nang sundan si Kalilah. Pagkatapos kong magsabi rito ay mabilis na akong tumakbo palabas ng practice room kung nasaan kami, saglit na nagpalinga-linga ako sa palagid upang hanapin siya ngunit hindi ko na siya makita kahit saan ako lumingon.
Dumiretso ako pababa sa lobby. Doon ko nakitang papalabas na si Kalih na malapit na sa exit door, hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko siyang sinundan. Hinabol ko siya hanggang makarating ako sa labas ngunit sadyang naging napakabilis nito, sa huli ay hindi ko na siya inabutan pa
Hindi ko alam kung saan siya papunta, may ilang beses kong sinubukang tawagan ang cellphone niya ngunit hindi ito sumasagot kaya naman nagdesisyon na akong sundan na lamang ito. Pumara ako ng taxi, wala na akong oras na kunin pa ang sasakyan ko sa parking lot, hindi rin ito nagdala ng service kaya lalo akong nag-alala. Pinasunod ko ang taxi na sinakyan ko sa sinakyan ni Kalih na nasa unahan lamang namin, I even asked the driver to hurry up just so we cannot loose them.
"Manong, pakibilisan. Sundan niyo lang po yung taxi na nasa harapan." Mabilis na sabi ko sa driver pagkasakay ko.
Tumango naman ito at sinunod ang sonabi ko. Mabilis naman naming naabutan iyon at ngayon ay nasa likuran na kami nito.
I tried calling her again for several times but her phone was already turned- off, bagay na hindi naman niya ugaling gawin. Yeah, she was pre-occupied this past few days but the last thing she would do is to turn off her phone dahil alam niyang mag-aalala kami ni mommy Mildred.
Mayamaya pa ay huminto ang taxi na sinusundan namin sa harap ng isang restaurant. Pinahinto ko ang taxing sinasakyan ko di kalayuan sa hinintuan ng sinasakyan ni Kalih at saka ko inabot ang bayad ko.
I decided to settle myself at the restaurant's patio at sinigurong hindi ako makikita o mapapansin ni Kalih na siya namang umupo sa isang mesa sa loob ng restaurant. Salamin lang halos ang bintana ng buong restaurant dahilan para madaling makita ang loob nito mula sa labas. Pinagmasdan ko si Kalih na tahimik na naghihintay habang nakaupo, nakita ko ring nilapitan siya ng isang staff at kinausap. Ilang sandali lang ay iniwanan na siya nito matapos bigyan ng tubig.
BINABASA MO ANG
Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)
RomanceYou must listen to this song Don't listen and pretend you haven't If you hear my heart Can't you come back to me? - Don't Listen In Secret - SEVENTEEN