DLTIS 26: Twenty Six

598 30 18
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jeonghan.

Marahil ay napansin niya ang pananahimik ko kaya naman maya't maya ang tanong niya sa akin kung okay lang ako.

Tumango ako bilang pagtugon, kahit pa alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ako okay at hindi ako komportableng nasa isang lugar kasama si Yesha ay wala naman akong ibang pagpipilian dahil napasubo na ako. Isa pa ay ayokong isipin nitong ako na lang ang hindi nakakapag-move on sa mga nangyari sa kanya.

I won't let her have a chance to bully me again.

Nasa isang mesa lang kasi kami kasama ito at si Vicky na kulang na lang ay hubaran si Jeonghan kung makatingin. Tila wala ring balak na lumipat ng table ng mga ito at nananatili lang na kasama namin kahit pa ang iba nilang mga kasama ay panay ang ikot sa iba pa nilang bisita.

May ilang ulit ko na ring nahuhuling tinitignan ni Vicky si Jeonghan tapos ay bubulong kay Yesha at saka naman titingin sa akin ng masama na para bang isa akong malaking hadlang sa pagitan nila. She was obviously flirting with him but not getting anything in return kaya naman damang-dama kong isinusumpa na niya ako nang mga oras na ito.

"Jeonghan-ah, ano nga palang favorite mong inumin? Are you a hard drinker? Do you want me to get you something to drink para naman ma-enjoy mo 'tong party. Para kasing hindi ka masyadong nag-eenjoy eh." Malanding tono na tanong ni Vicky sa kanya.

He started to feel uncomfortable, ramdam ko iyon at alam kong naiilang siya dahil sa tuwing umuusod si Vicky para lapitan siya ay umuusod din ito ng upo papalapit sa akin.

Tinignan ko si Jeonghan, kunwari ay inabala ang sarili ko sa paghalo ng inumin kong hindi pa nababawasan simula pa kanina. Nakita kong umiling siya bilang pagtanggi sa alok nitong pagkuha ng maiinom niya at sa halip ay nagkasya na lamang ito sa pag-inom ng non alcoholic drinks na inilapag ng waiter sa table namin kanina.

"I'm okay, hindi ako pwedeng uminom 'coz I have to drive after." magalang namang sagot ni Jeonghan sa babaeng katabi nito. He's trying to be as polite and as gentleman as possible. Not letting them see how awkward he is being closer to Vicky na noon lang niya nakilala.

Umiwas naman ako ng tingin nang matapos niyang magsalita habang lihim na nangingiti dahil sa hindi pagtatagumpay nito sa mga balakin niya kay Jeonghan. Isa pa ay masyado nang masakit sa mata ang kaartehan nila ni Yesha, bagay na hindi ko talaga kayang tagalan.

Alam kong ayaw nila na narito ako ngunit wala silang magawa dahil oras na umalis ako ay aalis rin si Jeonghan at iyon ang ayaw nilang mangyari. They wanted him to be separated from me, iyon ang sigurado ako.

"By the way, Kalih." bigla akong napabaling ako sa direksyon ni Vicky nang tawagin ako nito. She was all smiles habang kunwari ay interesado talaga ito sa pagatawag sa akin na para bang may gusto itong itanong o sabihin. Itinigil ko ang paghalo sa inumin ko at itinuon ang atensyon ko rito habang si Jeonghan naman ay abala sa pagkausap kay Joshua na nasa kabilang side niya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon