Chapter 40: His Goodbyes

563 22 0
                                    

Katatapos lang umulan nang makarating ako sa lugar na pinag-usapan namin ni Baro. He was patiently sitting there, waiting for me kahit pa mag-iisang orias na siyang naghihintay sa akin.

Malayo pa lang ay nakita ko na siya na nakaupo habang nakangiting nakatingin sa akin habang papasok ako sa rrstaurant na pagmamay-ari ni Sandeul.

Tahimik ang buong lugar at konti lang ang customer nang mga oras na iyon, hindi ko rin mahagilap si Sandeul o kahit si Jessie sa buong paligid. Nagpatuloy ako sa paglakad papalapit sa kanya at nang tuluyan akong makalapit sa mesa kung nasaan siya ay doon naman siya tumayo upang alalayan akong makaupo.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka?" tanong niya sa akin nang makaupo na rin siya.

"A-ayos lang ako, medyo masama lang ang pakiramdam ko." pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalatang medyo nahihirapan ako at para hindi siya mag-alala, iniba ko rin ang usapan kaagad ang usapan at saka tinawa ang server para umorder.

"You don't look okay, I'll take you to the clinic." Marahil dahil malinaw niyang nakikita ang itsura ko mula sa pwesto niya kaya bigla niyang nasabi iyon.

Sa totoo lang ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko pero gusto ko rin siyang makausap kaya nakipagkita ako sa kanya. I shrugged it off, assuring him na okay lang ako pero mukhang malayo sa katotohanang paniwalaan niya ang mga sinasabi ko.

"I okay, nalamigan lang siguro ako sa taci kanina. Mawawala rin 'to."

"You don't look good, Kalilah. Kailangan mong madala sa clinic at matignan ng doctor. Let's go, I'll just cancel our ord-" tatayo na sana ito mula sa pagkakaupo nang maagap ko siyang napigilan.

"Hey," nakangiti pa ring sabi ko sa kanya. "I'm okay, isa pa, nandito ako para makapag-usap tayo, hindi ba?  At iyon ang gagagwin natin."

"Per-"

"Mag-uusap ba tayo or hindi?"

Doon lang siya bumalik sa pagkakaupo pero bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya nang tignan niya ako.

"I'm okay, don't worry. Magsasabi naman ako kapag hindi."

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang manatiling nakaupo at tignan lamang ako. Umorder na rin siya pero maya't maya naman ay panay ang tanong niya sa akin, na sinasagot ko naman.

Marahan rin niyang inabot ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at saka pinisil iyon. Ramdam ko mula sa klase ng paghawak niya ang sinseridad at mula roon ay bigla akong nakaramdam lalo ng lungkot.

This is what I always wanted... before.

"I'm sorry," nagsimula siyang magsalita habang marahang pinipisil ang kamay ko na hawak niya. "For making you feel the way you felt before and for the things that I cannot do for you right now."

I can sense his sadness by the way he talks at nakakainis na wala akong magawa o masabi man lang para mawala iyon. Sa huli ay nakinig lamang ako sa mga sinasabi niya. Alam kong iyon ang klase ng mga salitang hiniling kong marinig sa kanya noon. Iyon ang klase ng paliwanag na matagal ko nang hinintay na ibigay niya sa akin. Alam kong naipaliwanag na sa akin ni Alexene ang lahat noong mag-usap kami, pero may bahagi nang sarili kong ninais na marinig ang lahat ng sasabihin niya. Hinintay ko iyon, hinintay kong kausapin ako ni Baro dahil alam kong iyon lang ang makakasagot sa mga tanong ko, hanggang sa napagod na ako kakahintay.

Hanggang sa sumuko na ako.

At ngayong ibinibigay niya na sa akin ang bagay na gusto ko ay saka ko naman nararamdamang hindi ko na kailangan pa noon.

Napatawad ko na siya, enough para kalimutan ang lahat ng nangyari. Napatawad ko na siya kahit pa hindi ko alam ang dahilan kung bakit at ngayon ay pinagdadaanan ko naman ang sakit na doble ng naramdaman ko noon.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon