Kabanata 66

1.4K 34 23
                                    


Chapter 66

Napatulala si KL ng sabihin sa kanya ni NJ na gusto siyang kausapin ni AK. Tatlong araw na silang magkasama ng binata sa isla at sa loob ng ng mga araw na iyon wala siyang ibang iniisip. Dahil sinisigurado ng binata na masaya lang sila lagi. Kahapon lang ng sabihin nito sa kanya ang tungkol sa picture na pinadala nito kay Keaydan at nalaman niya nga na pinakita nito kila AK at Raizah. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin, natatakot siya sa kung ano mang sasabihin ng kaibigan sa kanya. Pero sa kabila ng agam-agam nandoon padin ang pangungulila sa matalik na kaibigan. Alam niya sa sarili niyang sobrang na miss niya na ito.

"Kung hindi ka pa ready, I can tell them" malumanay na sabi ni NJ sa kanya.

Napapikit ng mariin ang dalaga sabay iling ng marahan.

"S-siguro nga kailangan ko ng siyang kausapin" nauutal na sabi ng dalaga. Ginagap naman ni NJ ang mga kamay niya saka ngumiti. Nakaupo na naman sila ngayon sa may talon, araw – araw doon na ang madalas nilang tambayan. Nagawa pa ngang maglagay ni NJ ng munting kubo sa parteng iyon para kahit magdamag pa sila doon, may matutulugan sila.

"Kilala mo si Kixzie mula pa pagkabata, diba dapat alam mo kung ano ang ugali niya?" malambing na sabi ng binata sa dalaga.

Pilit naman na ngumiti si KL. Oo nga magkasabay halos silang lumaki ni AK at parang tunay na kapatid na ang turing niya dito at alam niyang ganun din ang kaibigan sa kanya. Pero sa tuwing maalala niya na muntik niya na itong mapatay sa huling laban nila, umuurong ang dila niya. Hindi niya malaman kong ano ang sasabihin sa kaibigan.

Napabuntong-hininga si NJ, nakikita niya kasi ang paghihirap ng loob ng nobya. Pero alam din niya na dapat na nitong makausap ang kaibigan dahil sigurado naman ang binata na wala ikinimkim na galit ang pinsan sa kaibigan nito.

"Shhhh, its okay, maybe next time kapag ready kana" pag-aalo nalang ng binata dahil nagsisimula na naman sa paghikbi si KL.

Kahit hilam ng luha ang mga mata tiningala ni KL si NJ.

"K-kakausapin ko siya NJ" halos pabulong niya ng sabi. "Bahala na" dagdag pa nito. Hinalikan naman ng binata sa noo ang nobya bago inabot ang cellphone na nakapatong lang sa isang bato na malapit sa kinauupuan nila saka nag padala ng message kay Raydan. Kailangan parin nilang mag ingat bago hayaang mag usap ang dalawa AK at KL alam nilang lagi lang nakabantay ang mga galamay ni Marco Viejj na patuloy parin na naghahanap sa dalaga.

Agad namang nagreply ang pinsan sa kanya na e text lang siya kapag secure na lahat bago sila tumawag.

"Let's just wait for their call" nakangiti niyang sabi ng tapunan siya ng nagtatanong na tingin ng nobya.

Napabuga naman ng hangin si KL para alisin ang paninikip ng dibdib. Ngayon palang abot abot na ang kaba niya. Si NJ naman hinaplos nalang ang likod niya dahil iyon lang ang tangi niyang maitutulong sa dalaga. Ilang minuto na silang nag aantay ng tawag mula sa mga kaibigan at halos pigilan ni KL ang paghinga dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.

Napapitlag siya ng biglang nag ring ang cellphone ng nobyo. Halata ang pamumutla niya ng balingan siya nito pagkatapos tingnan ang screen ng cellphone nito.

Wala sa loob na nabasa ng dalaga ang labi gamit ang dila dahil pakiramdam niya nanuyo bigla iyon.

"Ready?" tanong ni NJ sa kanya. Sinagot niya lang ito ng isang mahinang tango saka nanginginig ang kamay na iniabot ang cellphone ng binata. Mabilis siyang hinalikan nito sa labi saka hinawakan ang kaliwang kamay niya. Nanginginig parin siya ng tuluyang pindutin ang answer button. Basic phone ang gamit nila iyon kasi ang pinaka safe way para hindi ma trace ang anumang tawag. Mabuti na iyong nagiingat sila.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessWhere stories live. Discover now