Kabanata 38

6.8K 102 19
                                    

Madaling araw nang dumaong ang barkong sinasakyan nila sa pantalan ng romblon. Mula doon, sasakay sila ng bus para pumunta sa hotel na tutuloyan nila.

"KL, Raiz! Andito na tayo" sabi ni AK habang niyoyog-yog ang dalawang kaibigan.

Halos sabay naman na umungol ang mga ito.

"AK?" inaantok pa ang boses na tanong ni Raizah at halos di pa maidilat ang mga mata.

"Sa bus niyo nalang ituloy yang tulog niyo, kailangan na nating bumababa ng barko" natatawang sabi ni AK sa dalawa.

Nakasimangot na bumangon ang mga ito na halos nakapikit parin.

"Tara na" aya ulit ni AK saka binitbit na ang isang malaking backpack niya at nauna ng lumabas.

Tama namang pagbukas niya ng pinto kasabay naman ng pagkatok ni Raydan kaya ang mukha ng dalaga ang natamaan.

"Shit! Sorry! Sorry!" Tarantang sabi ng binata ng makita ang namumulang noo ng dalaga.

Sinimangotan lang siya nito saka nilampasan na.

"Lagot ka!" Pagbabanta ni KL na kasunod si Raizah.

Naiiling naman ang apat na binata saka sumunod narin. Habang nagkakamot sa batok si Raydan na nakatayo parin kung saan siya iniwan ng mga kaibigan.

"Ano pang hinihintay mo diyan?" Pasigaw na sabi ni AK mula sa hagdan ng barko.

Napalingon naman agad ang binata rito saka nakangiti na mabilis nang tumakbo para makahabol sa dalaga. Inirapan naman siya ni AK saka nagpatuloy na sa pag baba.

"Pambihira!" Nasabi nalang ng binata sa isip. Di naman niya napansin na nakakasabay sa pagbaba si Patricia. Binati pa siya nito pero di niya manlang narinig. Halos di na maipinta ang mukha ng dalaga dahil di manlang siya pinag kaabalahang lingonin ng binata hanggang sa tuluyan silang makababa ng barko.

Dahil sa sobrang inis, sinadya niyang magpatihulog sa panghuling baitang ng hagdan pero dahil ang buong atensiyon ni Raydan ay nakay AK di niya na pinansin kung ano man iyon.

"Pat are you okay?" nag alalang tanong ng bestfriend niya sa kanya saka siya inalalayan.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessWhere stories live. Discover now