Kabanata 71

1.2K 37 31
                                    

Kabanata 71

Friday morning at abala na sila AK sa paghahanda para umuwi ng Zambales tulad nga ng napagkasundoan nila ni KL kapag nakalabas ng hospital si TJ at iyon nga nakalabas na ito kahapon kaya naman hindi na nag aksaya ng panahon ang magkaibigan. Sasama sa kanila sila Ether, Alexa at Raizah dahil ayaw naman silang payagang umuwi na silang dalawa lang. Hindi pa nila alam kung sasama din ang limang binata pero siguradong kapag malaman ng mga ito hindi na ang mga ito magdalawang isip pa.

"AK tawagan ko si Derrick magpapaalam ako sa kanya" nakangiting sabi ni Raizah pagkapasok nila sa kitchen.

Tumango naman si AK at umupo na sa mesa sumunod narin sila KL, Alexa at Ether para mag agahan. Habang si Raizah lumabas sa living room para tawagan si Derrick.

Ilang minuto ang lumipas humahangos na ang limang binata papasok sa kitchen na parang tumakbo papunta sa dorm.

"Anong nangyari sa inyo?" natatawang tanong ni AK

"Sasama kami" hinihingal parin na sabi ni Raydan.

Naiiling nalang si Raizah habang natatawa dahil hindi niya akalain na magtatakbo ang mga ito ng sabihin niyang aalis na sila.

Napatingin si Derrick sa kanya.

"Sabi mo paalis na kayo?" kunot-noong tanong niya rito.

"Oo nga pagkatapos naming mag breakfast" sagot naman ni Raizah na pilit pinipigilang matawa.

"Aisyt. Akala ko naman aalis na talaga" nakasimangot naman na sabi ni Raydan saka umupo sa tabi ni AK.

"Good morning love" bati niya sa dalaga.

"Good morning" nakangiti naman na sagot ni AK. "Kumain na muna kayo" dagdag pa niya saka tiningnan isa-isa ang mga binata.

"Hindi pa kami nakapagprepare ng mga gamit namin" nakasimangot naman na sabi ni NJ saka tiningnan si KL. Bakas padin ang iilang pasa sa pisnge at braso nito. Napatiim-bagang siya kung hindi agad sila nakabalik sa hospital noong nakaraang linggo baka nakuha na ito ng mga knight crest.

*Flashback*

"KL hindi parin ako makapaniwala na nandito kana ulit" mangiyak-ngiyak na sabi ni AK habang yakap si KL ilang minuto na ang lumipas ng dumating ang dalawa sa hospital. "Pero nag-alala din ako at kinakabahan baka kunin kana naman ni Marco Viejj" dagdag pa ni AK at mas hinigpitan ang yakap sa kaibigan.

"AK" naluluha narin na sabi ni KL wala siyang mahagilap na sasabihin dahil siya din ay natatakot. Hindi niya parin makalimutan ang panaginip kaninang madaling araw. Buong akala niya talaga totoong nakuha na siya ni Marco Viejj.

"AK, wag kang mag-alala, poprotektahan natin si KL. Hindi natin hahayaang makuha siya ulit ni Marco. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon" sabad naman ni Raizah na naluluha narin.

"Andito rin kami KL" singit ni Ether at Alexa.

Nandito sila ngayon sa kwarto ni TJ. Wala ang mga binata dahil sinamahan ng mga ito si NJ para puntahan ang mommy Nicole nito.

Kumalas ng yakap si KL kay AK saka nginitian ang dalawang bagong kaibigan at pagkatapos si Raizah naman ang niyakap niya.

"O siya tama ng drama nagugutom na ako e" biro ni KL pagkatapos kumalas ng yakap. Nagkatawanan naman silang magkakaibigan ng biglang tumunog ng malakas ang tiyan ng dalaga.

"Gutom kana nga KL" natatawang sabi ni AK.

"Tara bili muna tayo ng pagkain natin. Maiwan lang muna kayo dito AK kami nalang ni Ether ang bibili sa labas" sabi ni Alexa saka tumayo na mula sa pagkakaupo sa upuang nasa gilid ng higaan ni TJ. Mahimbing pang natutulog ang binata kaya pwede siyang umalis.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora