Chapters 6-10

151K 1.8K 108
                                    

CHAPTER 6

BROOKE’S POV

Tahimik lang kaming kumakain ni Yvo. Nahihiya talaga ko sa nangyari kanina, nabitin din kaya siya? Este nako po makatagal naman kaya ako dito sa isla ng hindi namamaalam kay virginity. Masyado pa kong inosente sa mga ganitong bagay.

“Yvo? Diba isa lang ang kwarto? San ka matutulog?”

 “Malamang sa kama.” nice talking! Hindi ba siya tinuruan ng table manners? Hindi ba niya alam ang kasabihan na ‘Don’t talk to strangers when your mouth is full’. Hala tama ba? Di ko na maalala. Si Mang Simon pa ata nagturo sakin nun. Wag ka! Ang hot pa din niya kahit kumakain tapos topless pa! Kung ganito ba naman kasabay mong kumain ay talagang mabubusog ka agad. Biruin niyo naman katawan pa lang ulam na! Naiisip ko nga kung titigan ko na lang kaya yung katawan nya lalo na yung abs niya tapos saka ako susubo ng mainit na kanin. Hahaha. Tipid sa ulam!

Leche Brooke! Ano ba 'tong naiisip ko. Hala nagkakasala na yata ako kasi naman masyado akong nagnanasa. Pinilig ko na lang yung ulo ko para mag concentrate sa daloy ng usapan namin at nang ma-absorb ko naman ay..

“What?!”

“Aray! Bakit ba nakasigaw ka ha? Tinis ng boses.”

“Edi sa sofa mo ko patutulugin?”

  Di naman ako masamang tao para patulugina ang tulad mo sa papag kaya tabi na lang tayo. Gusto mo 'wag muna tayong matulog? Maglaro muna tayo? 2 rounds lang?” ano bang pinagsasabi nya!!! Kinilabutan ako sa mga sinabi nya tapos kumindat pa siya at ngumiti ng nakakaloko. Bakit napakasama ng kapalaran sakin? Masyado niyang pinapahirapan ang isang inosente at conservative na tulad ko.

Ganito ba parusa sa mga virgin? Gusto ko lang naman ibigay 'to sa taong mahal ko talaga.

“Hoy maglubay ka nga diyan! Pinagsasabi mo.”

 “Sa papag na ko ng matahimik ka na. Ikaw maghugas ng pinggan ah.” aba kita mo 'to!Tumayo na siya at dumiretso sa papag para mahiga. Adik na yun ako nga bisita dito tapos ako pa gagawa ng hugasin. Buti na lang at marunong din ako ng mga gawaing bahay siyempre yun naman pangarap ko ang maging perfect housewife. 

Nung dumaan ako sa sala tulog na si Yvo kaya umakyat na din ako ng hagdan para matulog na sa kwarto sa itaas. Di ako makatulog! Namamahay ako! Nakailang ikot na ko sa kama pero wala pa din eh.

 Lumabas na lang ako ng kwarto para uminom ng tubig sa baba pero napansin ko si Yvo na biling ng biling tapos tinatampal pa niya yung braso niya halatang di siya komportable. Nakakakonsensya naman. Baka magka dengue pa. Bumaba ako ng hagdan at nilapitan siya.

“Oy Yvo gising ka pa?.” yugyog ko sa kanyang braso.

 “Gising na gising ako. Tss.” umupo sya sa papag at halatang gising pa talaga ang diwa nya. Ang dami nyang kagat ng lamok. O sige na awa effect.

 “Pwede kang matulog sa kama pero wag na wag mo kong gagalawin!” dinuro-duro ko pa siya ng forefinger ko tapos inirapan ko siya at umakyat na ulit sa taas. Nako bahala na wag lang niya kong tutuksuhin at pag ako bumigay baka mang-rape na lang ako bigla basta matutulog lang kami tapos!

YVO’S POV

 Thanks for the little mercy! Tangnang mga lamok yan di magpatulog. Umakyat na ko sa kwarto at nakita ko si Brooke na nakahiga na. Tss talagang walang tiwala sakin 'to ah hinarangan niya pa talaga ng unan yung pagitan namin at magkaiba pa kami ng kumot.

The Virgin's First Night: The Innocent SeductressWhere stories live. Discover now