Chapter 16-20

120K 1.4K 75
                                    

Chapter 16

YVO’S POV

  

Kung matagal ko ng narealize na mahal ko pala si Brooke at tatanungin kung anong best way to wake up isa lang ang masasabi ko, that would be my maleness lodged inside her. Ito na ata ang pinaka magandang gising na nangyari sa walang kwentang buhay ko, ang makita si Brooke sa mga bisig ko. May nagawa ba akong kabaitan? Ang alam ko lang kasi puro kabulastugan pero kita mo nga naman binigyan pa ko ng isang anghel sa buhay ko. Tangna naman kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito malay ko bang marunong pala kong umibig.

 Ang plano ko lang naman talaga eh bantayan si Brooke dahil wala talaga kong tiwala dun sa tarantadong Steven na yun, ang putangina lang para gaguhin si Brooke. Langya naman kasi yung narinig ko kahapon, sino nga bang kaibigan ni Brooke yun ang lakas makaimpluwensya eh. Ibigay na daw kay Steven? Ayan tuloy napanindigan ko ngang akyat bahay din ako. Pero mamamatay muna yang Steven na yan bago niya mahawakan lahat ng akin.

 Labag man sa loob ko ay kailangan ko ng umalis dahil ang alam ko may taga-gising ‘tong si Brooke. Inalis ko na ang sarili ko sa loob niya at tumayo. Isinuot ko na ang damit ko at bago tumalon sa veranda ay binigyan ko siya ng halik sa kanyang labi.

No doubt I love this woman.

BROOKE’S POV

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa magdamag, hindi lang 'yon isang panaginip kundi totoo talaga, totoong sinabi ni Yvo na mahal niya ako, ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya, kung hindi nga lang namin inaalala na nasa tapat lang ng kwarto ko ang aking fiancée sa malamang isinigaw na namin ang pangalan ng isa’t isa.

At sa nagdaang gabi ay halos nabawi namin ang ilang linggong pagkakahiwalay.

Bumaling ako sa hinigaan ni Yvo nandoon pa din ang naiwan niyang amoy. Niyakap ko ang unan nya at hinagkan. Ano na kayang mangyayari sa amin?

“Ma’am Brooke pinapatawag na po kayo ng daddy niyo sa baba.” Sa nanakit na katawan ay tumayo ako at dumiretso sa banyo. Hindi ko maiwasang kumanta habang nag shower dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko. Para kong teenager na kinikilig sa first love niya. Hindi ako naging ganito kay Steven, siguro dahil simula pa noon ay inakala ko na siya na pero hindi pa pala. Pagkayaring gumayak ay bumaba ako ng kusina para sabayan mag almusal si daddy at Steven.

 “Hon sasabay nga pala ko sa kotse mo. Okay lang? Nasa talyer ang kotse ko mamaya pa kukuhanin.”

“Sure.” at ganun na lang ang pagka-ilang ko ng hagkan ako sa labi ni Steven.

  “Thanks. Let’s go.” Naka-akbay sa akin si Steven ng makalabas kami ng gate kung saan nakaparada ang kotse ko, nakasandal doon si Yvo. Patay. Ang sama ng tingin. Sumakay na si Steven sa right back door habang si Yvo naman ay inalalayan ako pasakay sa kabilang side ng back door at bago ako makasakay ay bumulong sya....

 “Don’t forget to wear your seatbelt darling.” nasa backseat tapos mag seatbelt pa ako? Tinignan ko siya sa nagtatakang hitsura pero kumindat lang siya. Sumakay ako ng kotse  na pinipigil ang pag-ngiti. Sa biyahe ay manaka-naka kaming naghuhulihan ng tingin ni Yvo sa rearview mirror at nagbibigayan ng makahulugang tingin.

 “Come over here Brooke.” bigla akong inakbayan ni Steven at hinalikan sa pisngi, awtomatikong napatingin ako sa rearview mirror at huling huli ko ang masamang tingin at pag-smirk ni Yvo. Hinawakan ni Steven ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. Alam ko ng gagawin niya. Nasa harap pa ni Yvo? Kung kailan okay na kami eh. Palapit ng palapit ang labi nya sa labi ko...........

The Virgin's First Night: The Innocent SeductressWhere stories live. Discover now