Chapters 26-31

107K 1.4K 63
                                    

Chapter 26

STEVEN'S POV

Bakit ba hindi sinasagot ni Priscilla yung cellphone niya?! Damn sana tinapon na lang niya kung wala naman palang pakinabang. Tss. Sabi ko sa kanya tawagan niya ako from time to time para may balita ako kung may ginagawa ba talagang kalandian ang magaling kong fiancee. Akala ba ng Brooke na yun magagago niya ako? Tangina lang talaga pag nalaman kong naangkin na siya ng iba. Ako dapat ang makauna sa kanya.

 Sisimulan ko na ang nasa plano, ito na ang tamang pagkakataon para naman masagawa ko na ang binabalak ko. Wala si Brooke at hindi na masyadong hands on si tito sa kompanya kaya naman magagawa ko ang planong pagnanakaw ng mga ideas ng architecture firm para mabenta ng mas mahal sa kalabang kompanya.

Bago pa ako mahuli na nambabae eh uunahan ko na siyang akusahan.

BROOKE'S POV

 Nakakaasar naman ang Yvo na 'yon! San na kaya napunta yun? Baka naman kasama na niya si Priscilla?! Arghhh. Nagpunta na lang ako sa bar ng hotel, hindi ako madalas nagpupunta dito kahit madalas akong ayain nina Bianca dahil hindi ako pinapayagan ni daddy. Infairness nakakatampo na si Yvo, diba dapat sinasamahan niya ako ngayon hindi lang dahil sa bodyguard ko siya kundi dahil tutuparin niya ang nasa wishlist ko. Asan siya ngayon?!

 Naupo ako sa isang stool sa may counter, ang gulo at ang ingay dito sa loob ng bar isama mo pa ang nakakahikang amoy ng sigarilyo at alak.

"Can I have your drink?" sabi sa akin ng barista. Inosente ko naman oh dapat pala inaya ko si Jackie na samahan ako dito. Tss. Ano naman ang kaalam alam ko sa mga alak, magkakamuka lang naman yun diba?

 "First time mong iinom?" narinig kong sabi ng lalaking tumabi sa akin. Hindi ko siya masyadong mamukhaan dahil na din sa masakit sa mata ang papatay-sindi na ilaw malapit sa disco. Nakangisi siya sa akin, ngumiti na lang ako at kinuha ang shot glass niya mula sa kamay niya at diniretso ito ng lagok. Tahimik na lang akong napamura dahil hindi ko akalain na ganun pala kasama ang lasa nun. Damn! Parang dinaanan ng apoy yung esophagus ko ah/ He chuckled with amusement.

"That was a wow." Ngumiti na lang ako ng pilit at humarap sa bartender.

"Bigyan mo ko kung anumang bullshit yung na sakanya." hindi uso ang salitang 'poise' ngayon sa akin. Magpapakalasing ako at magwawala ako sa dance floor wala akong pakialam kung anumang iskandalo ang gagawin ko. Eto ang wish ko eh kaso wala yung taong tutupad daw nito. Malamang nagtatumbling na sila ni Priscilla ngayon sa kama.

 "Alam mo ba yung 13 Hell Shots game?" tanong sakin ng estranghero na siyang inagawan ko ng shot. Tinignan ko siya na nakakunot ang noo. Wala kasi kong alam sa mga ganun at na-curious ako dun sa game.

"What's that?" tanong ko sa kanya. Hell shits? shots?

 "13 Hell Shots. Ibibigay sayo ng bartender ang top 13 na pinaka matapang na shots. Pag nainom mo lahat yun at hindi ka man lang natumba panalo ka."

"Ano naman ang prize?" mukhang interesting yun ah, gusto kong i-try.

 "Libre na lahat ng nainom mo at maiinom mo pa." he gave me loopsided smile. Kahit mukang nakakagago siyang ngumiti parang gusto kong subukan para naman makalimutan ko din yung kasiraan ng araw ko. Gwapo naman pala 'tong katabi lalo na pag ngumingiti.

"Call?" tanong nya sa mapanghamon na tono.

 "Call." sabi ko sa determinadong tono pero sa totoo lang bahala na si Batman. First time kong iinom at grabe ah first time pa lang pero yung top 13 na agad na pinaka nakakalasing na inumin na ipapainom sakin. Sigurado ako malalasing agad ako at di na aabot sa top 13 partida pa yung medyo nahilo ko sa inagaw kong shot kanina.

The Virgin's First Night: The Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon