Chapter 4: I love you Freya

16 2 1
                                    

Chapter 4: I love you Freya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 4: I love you Freya


Months passed by, but I am here. Still not confessing to her. I tried so many times pero palagi nalang may sumisingit o hindi kaya naman ay mali ang pagkakataon ko.

Naging kaibigan namin si Moskov at ang iba pang kaibigan niya na sina Zilong at Immortal king.

Masaya naman tuwing magkakasama kami kasi mukhang aso si Immortal king,  de joke lang nakakatawa silang lahat kasi sobrang daldal nila.

Bumuo ulit ako ng plano,  ang planong "PAG AMIN KAY BESSY"

I will make sure that this time magiging okay na at masasabi ko na din na mahal ko sya higit pa sa kaibigan.

Sakto naman na nakita ko sya mula sa hindi kalayuan. Palapit sa kanya sina Zilong.

Ito na ang pagkakataon, sakto maririnig din nila na mahal ko si Freya.

They are going to witness something that they don't even expecting! Hihi 💕

Siguradong magugulat sila sa masasaksihan nila.

Habang naglalakad ako palapit sa kinaroroonan ni Freya ay inabot ni Zilong sa kanya ang isang bungkos ng mga asul na rosas. Paborito ni bessy ko ang bulaklak na iyon.

Dahan-dahan akong lumakad palapit ngunit napahinto ako nang marinig ko ang mga salitang.

"Freya, sa tagal ng panahon na hinintay ko palagay ko ito na ang tama para sa akin. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.  I LOVE YOU, FREYA. Maaari ba kitang ligawan? " narinig kong tanong ni Zilong sa bestfriend ko

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko iyon.

I LOVE YOU,  FREYA
    I LOVE YOU,  FREYAAA
       I LOVE YOU, FREYAAAA

Apat na salitang hindi ko maunawaan ang ibig-sabihin ngunit patuloy kong naririnig.

"oo pwedeng-pwede" sagot ni Freya

Lalo akong nanlumo nang marinig ang sagot ng bestfriend ko.

Napansin ako ni Freya at agad nya akong tinawag.

"Bessy ko! Narinig mo ba yun? May manliligaw na ulit sa bessy mo. Sa tagal ng panahon meron na ulit magkakamali hahaha" tuwang-tuwa nyang sambit sa akin habang nakaakbay sya sakin

"Ano bang laban ng isang pirasong gumamela na dala ko sa isang bungkos ng rosas" mahinang sabi ko at nagpamalas ng isang pekeng ngiti

"Ha?  Ano yun bessy? " tanong niya

"Wala, sobrang saya ko para sayo bessy! Sobrang saya" nanlalatang sagot ko

"Okay tama na yan,  tara na mag celebrate tayo! " ani Moskov

"Ayown!  Woooo!!  tara na walwalan na! " masayang sigaw ni Immortal King 

(N/A:Nilagyan ko lang ng sasabihin yung aso ko,  este alagad kong si Immortal ano wala syang silbe? nakatingin lang? Mahal mahal ng Tf nya ee)

Saturday ngayon,  walang pasok kung kaya't maari kaming lumabas ng school at umuwi.

Nais ko na sanang dumeretso pauwi ngunit agad akong hinatak ni Freya papasok sa sasakyan.

"Sasama ka samin bessy! Hindi ka pwedeng mawala ikaw ang pinaka importanteng tao sakin kaya dapat kasama ka sa walwalan" saad niya

"Ako ang pinaka importante pero bakit parang hindi naman" pabulong kong sambit

Dahil sa ingay ng radyo ay hindi nya narinig ang sinabi kong iyon.

Dumeretso kami sa bahay ng ate ni Freya na si Natalia,  since sya lang naman ang nag iisang babae sa amin ay marapat lang na sya ang mamili ng lugar kung saan sya magiging safe.

Hindi ako umiinom ng alak pero para sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay susubukan ko.

Ang bawat letrang sinabi ni Zilong kay Freya kanina ang syang sumuntok sa akin sa katotohanan na ISA AKONG TORPENG LALAKI

At ang bawat letra na sagot ni Freya kay Zilong ang syang naging isang malakas na sampal sa akin na nag sasabing KARMA YAN PARA SA KATULAD MONG TORPE

Isang biglaang pagpaplano pero hindi pa din natuloy,  hindi ba sa bawat lakad ng magbabarkada ang mas natutuloy ay yung biglaan? Yung hindi planado.

Ganoon ba ako kabagal upang maunahan ng iba?

Nilunod ko ang sarili ko sa alak ng gabing iyon.

(N/A: Binigyan kita ng life vest di ka malulunod ungas)

Okay sge, nagpakalasing ako nang gabing iyon. Okay na ba?

(N/A: Opo okay na po hihi 💕)

~End of Chapteeee Four ^^

(N/A: Narrator /Author)
SKL ulit wipwipwip 😋😣 Let's move on to the next chapteeee parang sa relasyon lang yan,  hindi ka pwedeng mag stay lang sa isang tao lalo kung may mas better na taong naghihintay sayo sa susunod na kabanata ng buhay mo!  BEYM! 😂 Hinugot ko yan sa tadyang ko wag kang ano! gege

                      LoveButterfly

                      LoveButterfly

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOVE YOU, PAR 💕 [ON-GOING]Where stories live. Discover now