Chapter 8:Asarin Nyo Pa ko,Makakatikim Kayo!!

12 1 0
                                    

Chapter 8: Asarin Nyo Pa Ko,Makakatikim Kayo!

Ilang oras pa ay napansin kong lumabas sina Zilong at Immortal mula sa bahay at papunta sa kinaroroonan ko

Kumaway sila at ginantihan ko rin naman ito ng isang simpleng pagkaway bilang tugon

Nang makalapit sila ay umusog ako upang bigyan sila ng pwesto

Tumabi sa akin si Immortal at naupo naman sa malaking bato si Zilong

"Naiinis ako sa ugali ng mga yon" ani Immortal

"Ganun din ako Par" saad ni Zilong

"Ikaw ba Par? Naiinis ka din ba kaya ka lumabas?" tanong ni Immortal

Nagkibit balikat lamang ako bilang tugon sa tanong niya

Maya-maya pa'y narinig namin ang sigaw ni Freya mula sa di kalayuan

"Mga kupaaalll!! Tara na!" paulit-ulit na sigaw ni Freya

Nag okay sign si Immortal upang hindi na muling sumigaw si Freya, paulit-ulit ba naman kita ko na yung kalembang nya sa sobrang pagbuka ng bibig

Agad kaming lumapit sa kanya at baka mag transform pa sya into halimaw mahirap na

"Hoy kupal, ano nanaman yon ha?" tanong ni Immortal habang pisil pisil ang magkabilang pisngi ni Freya

"Aw ah-aray ray ray , Araay kase kupal bitiwan mo ko" angal ni Freya

"Heroes never faaadeeee!" sigaw ni Zilong at akmang sasapakin si Immortal

Mabilis na tumakbo si Immortal at agad na kinuha ang panungkit sa gilid, ganun din si Zilong.

Huminto si Immortal at agad na pumormang tila ba isa syang matapang na mandirigmang handang magbuwis ng buhay

Nagtitigan ang dalawa at agad nag laban

"Para silang mga bata" saad ko ngunit napatigil ako

Napansin kong tuwang-tuwa si Freya sa kakulitan ng dalawa habang kinukunan ang mga ito ng video

Napangiti ako ng makita ko ang maaliwalas na mukha niya at pinagmasdan siya, agad kong binawi ang tingin ko nang tumingala sya sakin at sinabing

"Mga baliw talaga sila, kaya masaya kong nakilala natin sila" sabay hampas sakin

"Ah oo nga ee, buti nalang" sagot ko

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot, may parte sakin na masaya dahil oo tama si Freya masaya silang kasama dahil makukulit sila ngunit hindi ko pa din maalis sa isip ko na ang malas ko dahil dumating sila sa buhay namin ng bestfriend ko.Lalong lalo na si Zilong

Kung hindi dumating sa buhay namin si Moskov ay tiyak na hindi rin makikilala ni Freya si Zilong

Alam kong mali ngunit wala akong magagawa dahil ayun naman talaga ang totoong nararamdaman ko

"Hoy tama na nga kayo dyan, ang init-init para kayong mga tanga dyan" hiyaw ni Freya sa dalawa

"Heto na nga po Maam" sagot ni Zilong

"Ikaw kasi kupal ka, kung di dahil sayo di kami maglalaban nitong Jowa mo.. hooo!!" sabi ni Immortal habang sunod-sunod ang paghinga

(N/A:Sabi ko na may future yan sa pagka aso ee, o baka aso sya sa past life nya? hahaha)

"Haysst sinabi ko ba kasing habulin mo yan si kupal" ani Freya habang pinupunasan ang mukha ni Zilong

(N/A:Huwaw ang sweet sarap batukan)

LOVE YOU, PAR 💕 [ON-GOING]Where stories live. Discover now