Chapter 7: Amoy Paminta

12 1 0
                                    

Chapter 7:

Bago kami kumain ay ipinakilala muna kami ni Natalia sa mga friends nya na kani-kanina lamang dumating galing din sa mahabang byahe.

" Uhmm guys, These are my friends sina Turtle,  Alucard, Hayabusa, Saber and Kagura" Pakilala ni Nat sa mga friends nya

"Hello sa inyo,ako naman si Freya nakababatang kapatid ni Ate Nat" magiliw na sabi ni Freya

"Sya nga pala, ito naman mga friends ko. Sina Hanzo, Moskov, ImmortalKing, Zilong and Moonton" pakilala ni Freya sa amin.

Nang matapos ang hapunan at ang maikling kwentuhan ay agad na akong nagpaalam upang makapag pahinga.

Nagtungo muna ako sa restroom upang makapag babad ng katawan kahit saglit lang.

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng banyo, tumambad sa aking harapan ang mamasa-masang katawan ng isang lalaki na tanging maliit na tuwalya lamang ang nakatabing sa parte ng katawan niyang hindi maaring makita ng sinuman.

Hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong nakatitig sa katawan ng lalaking ito.

Naririnig ko ang tinig niyang tinatawag ang aking ngalan

Natauhan lamang ako ng marinig ko ang mga salitang

" Aba aba nangangamoy paminta ata dito, nababahing ako.  Achooo!! "

Saad ng kaibigan ni Natalia na si Turtle

Iniwas ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko, Oo tama si Moskov nga ang lalaking lumabas mula sa banyo

Dali akong pumasok sa banyo at pilit binubura ang pangyayaring iyon sa isipan ko

Natitipuhan ko na ba sya?

Pero hindi maari!

"Hoy, paminta baka naman pwedeng ako muna. Magbabawas lang ako" sigaw ni Turtle mula sa labas

Binuksan ko ang pintuan ng banyo

"Sinong paminta Par! Nakakalalaki ka na ah!" bulyaw ko sa nakangising si Turtle

"Woah easy lang dude! Wag guilty para hindi ka lalo maamoy" saad pa nito at saka tumawa ng pagkalakas lakas

Akma ko syang susuntukin sa mukha ngunit agad din akong natigilan ng marinig ko ang tinig ni Freya

"Bessuu! " sigaw niya

"Anong ginagawa nyo? " tanong niya habang papalapit sa kinaroroonan namin

"Wala" tipid na sagot ko

"Okay, tara na hatid na kita sa kwarto mo" aya ni Freya

Nagsimula akong mainis sa mokong na si Turtle ng araw ding iyon

Ang lakas nyang sabihan ako ng paminta

Hindi ako bakla upang tawagin nya ako ng ganoon, isang napakalaking insulto non sa pagkalalaki ko

Kinabukasan....

Tirik na ang araw sa kwarto ko at naramdaman ko iyon ng buksan ni Freya ang kurtina

Tumama ang sinag ng araw sa aking mukha na syang nagpabangon sa akin

"Ano ba bes, tanghaling tapat na bumangon ka na nga" sabi ni Freya

"Ang sakit ng ulo ko, anong oras na ba?  Medyo maaga pa naman ata" sagot ko

"Medyo maaga? 11:45 na ho' mahal na ginoo putok na putok na yung araw oh, panong hindi sasakit ang ulo mo sige nga" pagsusungit na sagot niya

LOVE YOU, PAR 💕 [ON-GOING]Where stories live. Discover now