Chapter Four

2K 21 0
                                    

“Yo, bro!” bati ng isang lalaki na lulan ng isang sports car habang naglalakad kami pabalik ni Samuel sa mansion.

“Adam, we’ll talk in the house.” Turan ni Samuel.

“Bossy as ever. Hi there, beautiful!” bati nito sa akin. Playboy ito panigurado.

“Hello.” Sagot ko dito bago niya pinaandar ng mabilis ang sasakyan niya para i-park.

Pagkabalik namin sa mansion ay naghahanda na sila Yaya Nins ng lunch namin. Agad naman ako lumapit kay Yaya Nins upang tulungan siya.

“Tulungan ko na po kayo.” Bago pa siya makatanggi ay kinuha ko na ang bowl ng salad sa kanya at nilapag sa mesa.

“Salamat, iha.” Aniya.

“Naku, walang anuman po. Mayroon pa po bang kukunin sa kusina?” Tumango naman siya at sumunod naman ako sa kanya pero may isang kamay ang humawak sa braso ko kaya natigil ako sa paglalakad.

“Hey. You’re Risa right?” Si Adam pala. Naku, ang lagkit ng tingin niya sa akin. Tusukin ko ‘to sa mata eh!

“Yeah. If you’ll excuse me. Tutulungan ko pa si Yaya Nins.” Paalam ko dito. I rolled my eyes while walking towards the kitchen.

Pagdating ko sa kusina ay may ilang putahe pa ang dapat ihain sa mesa. Tinulungan ko si Yaya Nins na bitbitin ito sa sa mesa. Parang sobra naman sa apat itong niluto nila. O baka naman, ganito katakaw si Samuel at si Adam? Hahaha!

Pagbalik ko sa mesa ay agad akong sinalubong ni Samuel at Adam.

“What are you doing?” tanong ni Samuel habang inaayos ko ang mesa.

“Ahm, nag-aayos ng mesa?” pilosopong sagot ko dito.

“I know, but why are you doing that? I have maids that could do that.” Singhal nito sa akin.

“Dahil gusto ko. Gusto kong tulungan si Yaya Nins, okay? Kaya huwag mo silang pagalitan dahil ako naman ang nagpresintang tumulong.” Sagot ko dito. Manghang-mangha naman si Adam habang tinitingnan kami ni Samuel na nagbabangayan.

“Woah! I can’t believe it, bro. Under ka kay Risa. Hahaha!” tawa naman ng tawa si Adam. Tumigil lang ito ng sinamaan ng tingin ni Samuel.

“Yaya Nins, kayo po?” yaya ko dito nang makaupo kami sa mesa. Si Samuel ang nakaupo sa gitna habang kami ni Adam ay nasa magkabilang gilid katabi ni Samuel.

“Huwag mo akong alalahanin, iha. Kumain ka lang.” sagot nito.

“Ok po.” Nagsimula na kaming kumain nila Samuel. Hmmm. Ang sasarap ng niluto nila. Iba na talaga kapag mayaman, pati pagkain, pang-mayaman din. Hahaha!

“So Risa, do you have a boyfriend?” tanong ni Adam pagkatapos namin kumain. Akalain mong naubos ‘yon niluto nila Yaya Nins? Ganoon katakaw sila Samuel at Adam.

“Wala pa.” sagot ko dito.

“Can I court you?” What?! Ang bilis ah! Ginagamit na sa akin ni Adam ang playboy techniques niya. Hindi naman uubra ‘yon sa akin.

“No. You can’t court her.” Seryosong sagot ni Samuel. Tumaas ang isang kilay ko.

“Bro, why are you answering for her? She said, she doesn’t have a boyfriend.” Oo nga naman! Bakit ba si Samuel ang sumagot ng tanong ni Adam? Siya na ba si Risa ngayon?

Gambling For Love?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora