Chapter Seven

2.1K 26 8
                                    

Pagkasabi na pagkasabi ni Fred noon ay sinampal ko siya. Walang bahid ng pagsisisi ang nakita ko sa mga mata niya. Hindi ko napigilan sa pagtulo ang luha ko.

Si Fred na kababata ko, hinusgahan ako? Samantalang, simula pa lang noong mga bata pa kami ay magkasama na kami. Tiningnan ko siya ng diretso bago ako nagsalita.

“Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin ha, Fred?! Sa lahat ng tao, ikaw ang iniisip kong makakaintindi sa akin dahil hindi mo ako huhusgahan kaagad base sa mga naririnig mo. Nagkamali pala ako. Katulad ka rin nila!”

“Ano bang totoo, Risa?! Sabihin mo nga!” nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Fred at halatang galit na ito.

“Bakit pa?! Para saan pa?! Hindi mo na kailangan pang marinig dahil alam kong hindi mo ako paniniwalaan! Nagawa mo na nga akong husgahan tapos ngayon tatanungin mo ako kung ano ang totoo?!” singhal ko dito. Naiinis ako sa kanya. Hindi lang ata inis ang nararamdaman ko kundi galit.

“O, ayan! Pakisabi kay Xiara, salamat!” inihagis ko sa kanya ang paper bag. Pagtalikod ko ay bumangga ako sa isang matipunong dibdib. Pag-angat ko ng tingin ay si Samuel pala ang nagmamay-ari niyon.

Pinahid niya ang mga luha sa mata ko at saka ako inalalayan papunta sa sasakyan.

Niyakap ako kaagad ni Samuel pagkapasok namin sa sasakyan. Umiyak ako. Inalo-alo naman ni Samuel ang likod ko.

“Shhh. Risa…”

“Bakit siya ganon, Samuel? Bakit sila ganon? Basta-basta na lang nila akong hinuhusgahan. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung totoo ba ‘yon o hindi. Higit sa lahat, kilala niya ako simula pagkabata namin tapos ‘yon ang maririnig ko sa kanya?”

“Nakakainis siya!” naikuyom ko ang palad ko at pinaghahampas-hampas ko ang dibdib ni Samuel dahil naiinis talaga ako kay Fred.

**********

Tirik na tirik na ang araw nang magising ako. Tumingin ako sa kanan ko at nakita si Samuel na mahimbing pang natutulog habang nakayakap sa akin ang braso nito.

Teka, nakayakap sa akin?! Hindi ko nilagyan ng harang ang gitna ng kama. Nakatulog na siguro ako sa kotse pa lang dahil sa kakaiyak ko. Pinagmasdan ko si Samuel. Para siyang anghel na nahulog sa langit dahil sa amo ng mukha nito kapag natutulog. Sa buong biyahe namin kagabi, hindi siya nagreklamo sa mga pinaggagagawa ko sa kanya. Tiniis niya ang sakit ng hampas ko sa dibdib niya. Samuel…

Hinaplos ko ang makinis niyang mukha. Hmmm. Walang bahid ng kahit anong pimple sa mukha niya. Ano kayang nilalagay niya dito at ganito ‘to kakinis? Inggit ako!

Pinasadahan ko din ng aking daliri ang labi ni Samuel. Ang lambot kaya masarap halikan. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay dumampi na ang labi ko sa labi niya. Inilayo ko kaagad ang mukha ko sa mukha niya. Sh*t! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ma-rape ko si Samuel. Hahaha!

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa katawan ko at tumayo na sa kama. Baka nag-trabaho pa ito kagabi kaya ang sarap pa din ng tulog nito. Bumaba na ako papuntang kusina dahil gusto kong ipagluto si Samuel.

“Good morning Yaya Nins.” Bati ko dito nang makarating ako ng kusina.

“Mukhang maganda ang gising mo ah. Tulog na tulog ka na ng dalhin ka ni Samuel sa kwarto niya.” Ayan na naman si Yaya Nins. Ang mga ngiti, alam na! Hahaha!

“Ganon po ba? Yaya Nins, ano po bang paboritong agahan ni Samuel?” tanong ko dito.

“Bakit? Ipagluluto mo ba siya?” tumango naman ako dito.

Gambling For Love?Where stories live. Discover now