Chapter Thirty Four

1.1K 16 8
                                    

“Yaya Nins, tapos ko na po hiwain ‘yon mga gulay. Kailangan niyo po ba ng tulong dyan?” tanong ko dito. Wala na kasi akong gagawin ngayon tapos ko na hiwain ang mga gulay na isasahog sa mga putaheng lulutuin ni Yaya Nins. Mga pang-sosyal kasi na pagkain ang i-seserve mamaya. Anong mayron? May party mamaya dito. Kaya naman pala bigla na lang akong inutusan ni Tita Leila na mag-trabaho dito sa kusina dahil may mga bisita siyang darating. Paniguradong mga sosyal din ‘yon katulad niya.

“Iha, haluin mo muna ito. Isang way lang dapat ang paghahalo.” Utos nito sa akin bago siya nagsimula ng panibagong putahe na lulutuin. Hinalo-halo ko naman ang niluluto ni Yaya Nins. Hindi pa kami ulit nakapag-usap ni Samuel. Bukod sa marami kaming ginagawa ay mukhang napagalitan na naman si Samuel.

Dahil sa nakita ni Tita Leila ay mas lalo lang bumaba ang tingin niya sa akin. Panigurado, iniisip niya na isa akong social climber. Na pinikot ko si Samuel para kumita at makakuha ng malaking pera.

“Risa, iha. Tama na ‘yan paghahalo mo. Kanina ko pa pinatay ang stove. Ano na naman ba ang iniisip mo? Madalas kong napapansin na lagi kang tulala at parang may malalim na iniisip.” Simula nang dumating si Tita Leila dito ay madalas nakatulala lang ako at kung anu-ano ang iniisip. Mostly, tungkol sa relationship namin ni Samuel ang iniisip ko.

“W-Wala naman po, Yaya Nins. Huwag niyo na po akong pansinin. Ano na po ang susunod kong gagawin?” Niyakap muna ako ni Yaya Nins bago niya ako ulit inutusan. Marami-marami pa kaming lulutuin. Mukhang marami-rami din ang inimbita ni Tita Leila para sa party na ‘to.

Patuloy lang kaming nagtrabaho ni Yaya Nins kasama ang iba pang katulong dito sa bahay. From appetizers to desserts ang i-seserve namin. Bongga diba? Parang sa restaurant lang. Katatapos lang namin i-prepare ang dessert. Isa-isa ko silang nilagay sa refrigerator para lumamig. Maya-maya lang ay magsisidatingan na ang mga bisita nila.

Buong maghapon ko din hindi nakita si Samuel. Ni hindi nga siya sumilip dito sa kusina. Ano kayang nangyari? Nagpaalam na muna ako kay Yaya Nins at sinabi dito na magshoshower muna ako dahil halo-halo na ang amoy ko. Sinabi ko din dito na babalik din ako para tulungan sila mamaya.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko si Samuel pero hindi niya ako pinansin at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Nainis ako. Pagkatapos noon nangyari kanina, iiwasan niya ako? Ginusto din naman niya ‘yon ah! Ano bang problema niya? Bakit bigla na lang siyang manlalamig sa akin? Hindi ko rin siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpasok sa kwarto ko. Pagkapasok ay nilock ko pinto pati na rin ang connecting door para hindi siya makapasok dito.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Doon na bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit lang kasi. Pagkatapos niya akong pangakuan na hindi niya ako iiwan, na ako lang ang mahal niya, bigla siyang manlalamig? Risa, huwag kang umiyak! Baka naman may sinabi si Tita Leila kay Samuel kaya bigla na lang nagbago si Samuel. Ayoko man isipin ‘yon pero may posibilidad nga na may sinabi si Tita Leila.

Naniniwala ako kay Samuel noon sinabi niya na mahal niya ako, na ako ang puso niya at hindi siya mabubuhay kung wala ako. Kung ano man ang pinagdadaanan namin ngayon, haharapin namin ‘yon ng magkasama.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos maligo at inayos ang sarili ko. Bumaba na ako ulit para tumulong ulit sa kusina. Pagkadating ko doon ay nandoon si Tita Leila at chinecheck ang mga niluto namin.

“Oh, andito ka na pala. Pinauwi ko muna si Nins para makapagpahinga. Kaya ikaw muna ang papalit sa pwesto niya. Suotin mo ‘to.” May hinagis siya sa akin na uniporme. Tiningnan ko ‘yon at uniporme ‘yon na pang-katulong. Oo, willing naman ako tumulong pero bakit kailangan ko pang mag-suot nito?! Kalma lang, Risa. Inhale, exhale.

Gambling For Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon