Chapter Twenty Four

1.3K 14 2
                                    

“Ate Risa!” salubong sa akin ng mga kapatid ko pagkadating ko sa bahay. Nag-leave muna ako sa trabaho ngayon este, nagdahilan lang ako na masama ang pakiramdam ko kay Samuel para makatakas.

“Nay.” Turan ko nang makita ko si Inay na nasa kusina at nagluluto ng tanghalian. Nagmano muna ako bago ako umupo sa sala at nilabas lahat ng kakailanganin ko para sa regalo na ibibigay ko kay Samuel. Birthday na kasi nito bukas.

“Ate, ano ‘yang ginagawa mo?” tanong ni Raiza na nakaupo sa tabi ko. Isa-isa niyang tiningnan ang mga pictures na nilabas ko mula sa envelope.

“Pictures namin ni Kuya Samuel mo. Gagawa kasi ako ng regalo para sa kanya.” Sagot ko dito.

“Wow, ate! Ang ganda pala sa Baguio. Pwede ba akong tumulong sa’yo ate?” suhestiyon nito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagsimula na kami sa pagpili ng mga pictures na ididikit sa kada page ng scrapbook na binili ko sa bookstore. Bumili na din ako ng iba pang materials na kailangan ko katulad ng glue at pang-design sa scrapbook.

Bukod sa mga pictures ay nag-print na din ako ng ilang captions na ilalagay ko. Nasa dulo ng scrapbook ang tunay na regalo ko kay Samuel. Alam kong hindi mapapantayan nitong regalo ko ang ireregalo ng mga mayayaman niyang kaibigan pero sana ma-appreciate ni Samuel ‘to.

Nagplano din ako ng surprise birthday party sa mansion ni Samuel. Pili lang naman ang mga tao na inimbita ko. Iilan lang naman ang kakilala ko na kaibigan niya. Maliit na salu-salo lang naman ang pinlano ko para sa kanya.

Matapos ang ilang oras ng pagdidikit at paggugupit ay natapos din namin ni Raiza ang regalo ko para kay Samuel. Nagustuhan ko naman ang resulta ng gawa namin. Hihi.

“Ang ganda na, ate!” tili ni Raiza nang makita ang finish product. Hindi ko muna dinikit ang huling caption sa last page. Baka intrigahin ako nitong kapatid ko at ni Inay.

“Oo nga. Thank you at tinulungan mo ako. Sana matuwa si Kuya Samuel mo kapag nakita niya itong ginawa natin.” Untag ko dito bago binalik sa bag ang scrapbook at inayos ang kalat sa mesa.

“Sigurado ‘yan, ate! Matutuwa si Kuya Samuel.” Sambit nito. Nag-stay muna ako ng ilang oras sa bahay bago bumalik sa mansion. Na-miss ko talaga ang pamilya ko. Kasama din sila sa mga inimbita ko para sa birthday ni Samuel. Nakakalungkot talaga isipin na kahit minsan ay hindi pa niya naranasan na mag-celebrate ng birthday.

“Nay, babalik na po ako sa mansion. Papasundo ko na lang po kayo kay Jerry bukas ng para maayos niyo ang mansion. Balik-trabaho na po ako bukas para hindi makahalata si Samuel sa plano natin.” Turan ko bago ako humalik sa kanya at nagpaalam.

Pagkabalik sa mansion ay dinikit ko na kaagad ang huling caption sa last page ng scrapbook at pagkatapos ay binalot ko ng gamit ang isang gift wrapper at tinago sa ilalim ng mga damit ko para hindi makita ni Samuel.

Bumaba muna ako sa kusina para kausapin si Yaya Nins tungkol sa mga lulutuin bukas. Gustuhin ko man na tumulong, hindi ko naman pwedeng hayaan si Samuel na mag-isa sa opisina. P.A pa naman niya ako at wala ako sa tabi niya. Isa pa, ayoko din siyang makahalata tungkol sa plano namin. Sana lang talaga, maging maayos ang lahat bukas.

“Yaya Nins, ready na po ba lahat ng kailangan para bukas?” tanong ko dito habang nagluluto ng hapunan. Hapon na kasi nang makauwi ako sa mula sa bahay at maya-maya lang ay nandito na si Samuel. Tumulong ako sa kanya ng paghihiwa ng gulay.

“Oo, iha. Nahanda ko na lahat. Sana lang hindi maghalungkat ng pagkain si Samuel mamaya at baka magulat siya dahil sa dami ng laman ng refrigerator natin.” Pabirong sagot nito sa akin.

Gambling For Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon