Chapter 19

1.1K 56 11
                                    

Tatay Selyo

Pinanood kong tumakbo papalayo sa akin ang anim na bata. Para tuloy akong may nakakahawang sakit. Lahat na lang kasi ng lalapitan ko at pagtatanungan nilalayuan ako.

Para bang nagkaisa ang mga tao rito na kanila lang ang knowledge about sa minahan.

6pm. And I'm still here. Same exact ground where I stood when I asked those kids. I did not leave because I don't want to. Saan naman kasi ako nito ngayon? Malayo ang hotels. Halos 2 hours nga kaming bumyahe ni Luke papunta rito e.

Ay! Bakit ba naisip ko siya?!

"Bakit interesado ka sa minahan?" Nagulat ako ng may isang boses ang namutawi sa buong kalsada.

Ganito ba sa probinsya? Hello? Ala-sais pa lang wala ng tao? Paano kung murderer 'to? Wala na akong pag-asa ganon?

"A-ahm. A-no ho ka-kasi..." hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero natatakot na ako sa presensya niya.

Replika lang niya ang nababanaagan ko dahil nasa madilim na parte ito ng kalsada.

God, gusto ko pang makapagtapos at mabuhay ng matagal kasama si Luke este ang mga pamilya ko.

Landi naman ng utak ko.

"Bakit?" One word at pinapakaba na ako nito.

Pasimple kong kinapa ang pepper spray ko na ginawang key chain para mas madaling mahanap.

Lahat ng tao na hindi physically strong kailangan 'to just in case may ganitong pangyayari.

"I'm part of the environmental group at pumunta ako dito para tiyakin kung totoong may minahan."

"Bakit?"

"Para i-expose sila? At ireport para mapasara 'to."

"Bakit?" Seriously? Wala na bang ibang pwedeng itanong 'to?

"Seryoso? Oh s-sige... concern lang ako."  Lumapit pa siya nang lumapit kaya umatras ako, as if doing so will prevent this situation that's running in my mind to happen.

"Concern? Hindi ka naman tagarito." All through out ng conversation namin isa lang ang napansin ko, na iba ang accent niya kumpara sa mga nauna kong nakausap. More like boses Manileño.

Tanong siya nang tanong buti sana kung makakatulong.

"Oo kapag may kinalaman kasi talaga sa kalikasan concern ako." Ngumiti ako para hindi halatang kinakabahan ako.

Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at papalayo sa madilim na parte ng kalsada kaya nakita ko nang malinaw ang itsura niya.

Tama ang assumptions ko, hindi nga siya tagarito. Dahil kung tagarito siya, hindi siya ganyan kaputi at hindi ganyan ang way niya ng pananamit.

Mukha siyang ka-edaran ni Luke. Oo na, medyo gwapo siya at mukhang mayaman. Pero ano namang trip niya at nandirito siya? Hinahanap din ba niya yung minahan?

"Tutulungan kita." Sabi nito.

Finally! Nasabi na ang gusto kong marinig.

"Paano? Alam mo ba kung nasaan ang minahan?" Tumango siya.

Oh God! Thank you!

"Hindi naman siguro tayo pupunta dun ng ganitong oras diba? Kailangan mo ng matutuluyan." Sabi nito 

In-offer pa niya sa akin ang kamay niya. Hindi ako sure sa tao na 'to. Baka kung ano naman ang gawin niya sa akin.

"Come on, hindi ako sasaktan, okay? Tsaka straight ako hindi ako pumapatol sa bakla." Hala. Wala naman akong sinabi. Pinagmukha pa akong assuming.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now