Chapter 45

694 36 1
                                    

Forget you not

It's all coming back. Lahat ng mga nagawa niya para sa akin. Sweet gestures, his chivalry, his words... lahat pala yun hindi ibig sabihing hindi na niya ako lolokohin. Gustong-gusto ko paniwalain ang sarili ko na baka... na baka lang yung babae ang unang humalik, at saktong nakuhaan lang sa camera. Baka mabilis niya ring tinanggal ang pagkakalapat ng labi niya sa kanya at hindi niya ginusto ang mga nangyari.

Kahit gaano ko gustong paniwalain ang sarili ko na hindi ito kagaya ng iniisip ko, na siguro may mas magandang paliwanag si Luke kung pagbibigyan ko lang siya... hindi e, ayaw magpakumbinsi ng sarili ko.

I didn't realize that I am crying hanggang mapansin kong nabasa na pala ang folder ng mga luha ko. I'm no man's man noon, I'm better off alone then he came. Napaniwala niya ang isang baklang kagaya ko na meron palang magmamahal sa akin. Kung alam kong ito lang rin ang mangyayari sana pala pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa mga pakulo niya. Sana hindi ako nagpadala sa mga masasayang oras na kasama siya.

Ang sakit isiping niloko ka pero hindi mo kayang gumanti kasi siya yun e, mahal ko yung gumawa nun sa akin.

"Alam ko, mahirap iabsorb lahat ng 'to, pero ganito talaga si Luke. Ipaparamdam niya sa'yong ikaw ang pinakamagandang tao sa mata niya---" nawala sa isip ko na may kasama pa pala ako, pinutol ko ang sasabihin nito bago pa man niya tapusin. "Siguro matagal ka na niyang niloloko." Dagdag pa niya.

"Okay na James, hindi mo na kailangang siraan pa si Luke sa akin. Sapat na 'tong nakita ko." Matapos ko 'yong sabihin ay lumabas na ako sa kwartong nagbigay ng mga sagot sa akin.

"Saan tayo?" Tanong ni James habang nakasakay kami sa kotse nito at may kung anong ginagawa sa driver's seat.

"Sa school." Hindi niya inasahan na doon ako pupunta. Pwede pa naman akong pumasok, isang subject pa lang naman kung tutuusin.

"Sigurado ka ba? Pwede naman kitang iuwi para makapagpahinga ka na."

"Sa school." Pag-ulit ko.

At mabilis niyang pinaharurot ang kotseng sakay-sakay namin.

"Sis! Bakit pumasok ka pa? Bakla ka, wala na daw tayong klase, nag text na yung mga prof." Nakasalubong ko sila Antoinette at Matthew sa hagdan.

Umubo muna ako para linisin ang baradong lalamunan ko. "Ah ganoon ba? Ipapasa ko na lang yung pinagawa sa atin kay president nasaan siya?" Sinubukan kong maging casual ang tono ng aking boses.

"Adjusted na rin ang deadline." Matapos sabihin ni Antoinette yun ay sumabay na ako sa kanila sa pagbaba.

Tahimik lang kaming naglalakad. Alam kong kating-kati na silang malaman kung anong nangyari sa akin kanina pero pinili nilang wag nang magsalita. Salamat, ayun ang pinakahuli kong gustong mangyari.

"Okay lang ba siya?" Rinig kong bulong ni Matthew kay Antoinette.

"Gaga, halata namang hindi." Sagot niya.

Hindi ba talaga nila makontrol ang lakas ng kanilang boses?

"Anong gagawin natin?" Ani Matthew.

"Hindi ko alam bakit ako ang tinatanong mo?"

"Sino pa bang tatanungin ko? E ikaw lang naman ang kasama namin dito."

"Alam niyo hinaan niyo pa para matawag na bulog. Rinig na rinig ko kayo." Pag-awat ko sa kanila.

"E sis kasi naman. Kahit 'wag ka munang magkwento, gusto lang naming malaman kung okay ka."

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Magiging okay ako. Ayun lang ang dapat niyong malaman sa ngayon."

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon