Chapter 59

549 34 2
                                    

Clean slate

"That's it for my presentation. Thank you very much." At nagpalakpakan ang mga taong nasa loob ng kwarto. And again, they are amazed on my report.

"As usual, very great ideas Mr. Venille. Hindi talaga ako nabigong kunin ka right after you graduated. You're a gem in this agency." Sabi ni ma'am Santos, ang aming boss. Nasa mid-40s na ito pero maganda pa rin. Mas bata ng sampung taon ang kanyang itsura. Nagtataka tuloy ako kung bakit wala akong nakikitang kasama niya, boyfriend o asawa man lang. Tumayo na ito at inayos ang mga folders na naka-pile sa long table bago umalis. Sunod-sunod ring lumabas sa kwarto ang iba pa nang may paghanga sa kanilang mukha.

Naiwan naman akong nagliligpit ng mga ginamit sa presentation. Nang akala kong mag-isa lang ako sa kwarto, narinig ko naman ang boses niya.

"As expected, you did great Mr. Venille. Your title suits you very well." Sabi niya, pagbibigay diin sa pangalan ko.

"Tigil-tigilan mo nga ako Luke. Hindi ako sanay sa mga papuri mo." Sagot ko sa kanya at ipinasok sa bag ang huling gamit.

"Masanay ka na 'Mr. Venille' dahil araw-araw kong ipapaalala sa'yo kung gaano ka kagaling." Dagdag pa niya. Nasa dulo ito ng lamesa, nakatayo at nakapamulsa.

"Alam mong hindi nakakagwapo 'yang paganyan-ganyan mo 'di ba?"

"Hindi ba? Then why are you smiling?" Nakangisi itong nakatitig sa akin.

"Luke Matthew Ramirez. You're so persistent. At dahil diyan, dinner at 8. Libre ko."

Nag-yes naman si Luke, isinabit ko ang coat sa gitna ng aking braso at lumapit sa kanya. Sabay naming nilisan ang kwarto.

Kaka-promote ko lang as advertising manager. Nakakabilib daw dahil isang taon ko lang trinabaho ang posisyon ko ngayon. But I always tell them na, kapag focused ka at walang ibang bumabagabag sa isip mo, you'll get there easier.

It's been five years after that incident. I've changed. I've become a better person.

May stable akong trabaho. Gusto ko ang ginagawa ko. At masasabi ko ng okay na ako. Masaya na ako...

...Or was I?

***

Binuksan ko nang malakas ang pinto ng best friend kong isa ng, ayon sa kanya'y, butihing may-bahay.

"Uso kumatok, John Belle!" Wika niya habang nililinis ang kuko sa paa.

"How's being a wife?" Pang-aasar ko sa kanya at umupo sa sofa, sa tabi niya at kinuha ang bawas na ice cream sa lamesitang nakaharap sa amin. "Alam mong nakakadiring tingnan ang pagkain nito habang naglilinis ng kuko sa paa, 'di ba?" Sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.

Hindi siya sumagot. Hindi na ako nagtanong pa dahil focused ito sa pagtatanggal ng kanyang ingrown. Pinagmasdan ko ang bahay nila ni Francis. Masasabi kong kina-career talaga ni Antoinette ang pagiging may-bahay. Malinis ang buong paligid at buhay na buhay. At mukhang seryoso talaga si Francis nung sinabi niyang, si Antoinette na talaga ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda.

Kinuha ni Antoinette ang ice cream na hawak ko pati ang kutsara na siyang hawak ko rin sa kabila at nagsandok. "Approved na naman ang proposal mo, pero hindi mo maramdaman ang saya hindi dahil hindi mo gusto ang ginagawa mo pero dahil sa hindi mo maipaliwanag na dahilan? Ayan na naman ang estado mo ngayon kaya iniistorbo mo ang paglilinis ko ng kuko." Umirap na lang ako sa narinig. Parang mas mahalaga pa talaga ang mga patay na kuko niya sa paa kumpara sa feelings ko.

"Okay. Sige Belle, dahil hindi ka sumasagot, ito na lang muna. Move on ka na ba?"

Pinanliitan ko siya ng mata at kinuha ang parehong kutsara at ice cream. "O-oo naman! It's been what... five years since everything. Okay na ako. I'm all good."

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedWhere stories live. Discover now