Chapter 63

561 33 7
                                    

Present and resent

This is the time to prove to that filthy rich entitled handsome man that I am not a wannabee advertising manager. I crawled my way up here and I'm not gonna let any person tell me that I don't deserve where I am right now.

"Ready?" Tanong ni Matthew.

"I am." Sagot ko.

Naglakad na kami papunta ng building. Pumasok kami sa elevator para mas mabilis na makaakyat.

Nakatingin ako sa pinto ng elevator. Habang umaangat ito, makikita ang repleksyon naming dalawa. Tinititigan ako ni Matthew.

"Hindi mo na kailangan ng words of encouragement ko." Sabi niya.

Napangiti ako sa narinig. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"I see it in your eyes." Sagot niya. Tinitigan ko rin siya pabalik. Ngumiti muna ito bago ialis ang tingin sa akin papunta sa pinto ng elevator at ganoon din ang ginawa ko.

Bumukas na ang elevator at una akong lumabas.

"Papasok na ako. Gusto mo bang sumama?"

"Syempre. I want to see you kick some asses out there." Masaya niyang sabi.

Umirap ako. "Thank you Matthew."

Bigla namang nagbago ang mukha nito. Parang nagulat siya o ano. "Matthew?"

"Ah, yes! Alam mo na para hindi ako malito, haha. Since dalawa na kayong Luke dito."

"So isang Luke lang pala ang pwede diyan." Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya pinaulit ko sa kanya.

"Ha? May problema ba?"

"Wala. Ang sabi ko okay nga yun e. Parang nung panahong nag-aaral pa lang tayo. Sige na. Pumasok ka na."

"Hindi ka papasok?"

"Susunod ako." Sagot niya. Niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit, I just feel like it.

"The best ka talaga Matthew."

"Tss. Matthew." Bulong niya.

Kumalas na ako sa pagkakayakap at tinapik ang kanyang likod bago naglakad papunta sa kwarto.

Pagpasok ko'y naka set up na ang projector at may mga folder na rin sa bawat pwesto na naglalaman ng proposal ko.

Si Maya ang nag-ayos ng lahat at siya pa lang ang tao sa kwarto. Nagpasalamat ako sa ginawa niya.

"Ano ka ba? Wala 'yun. Best friend ka ni Luke kaya willing akong tulungan ka. Hihi." Kinikilig niyang sabi. Kung alam lang niyang may gusto sa akin si Matthew. Masaya itong dino-double check ang projector at mukhang inspired sa ginagawa. "Ahm, Belle pwedeng favor?"

"Ah 'wag lang pera."

Tumawa muna ito bago magsalita. Seryoso ako Maya. "Hindi naman 'yun. Pwede ba na pagtapos ng presentation mo sabihin mo kay Matthew na tinulungan kita?"

Umupo ako sa isa sa mga upuan at saka nagsalita, "Sige walang problema. Pero matanong ko lang, ano bang nagustuhan mo kay Matthew... kay Luke?"

Humagikgik pa 'to bago magsalita. "Ahm sa 'tin sa 'tin lang 'to ha..." Tumango ako. "Bukod sa napakagwapo niya. Ang gentleman pa niya lalo na sa'yo! Nakakainggit ka nga e. Alam mo ba na minsan nagpapantasya ako na ako ang nasa pwesto mo? Sana ako na lang ikaw." Pabulong niyang sabi na parang may ibang tao sa kwarto.

"I promise you, you wouldn't want that." Sagot ko.

"Ano ka ba girl, hindi naman literal na maging ikaw. Ang ibig kong sabihin maging kasing lapit kami ni Luke kagaya ng pagiging malapit niyo. Oh ayan na, ayos na ang lahat." Dagdag pa niya at saka umalis sa tabi ng projector. "Good luck!" Sabi niya bago lumabas sa pinto.

My Greeny Lovely Heart (BOYXBOY) *CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora