CHAPTER TWO

9.1K 157 1
                                    


MATALIM na tingin ang ipinukol ni Kevin sa mga kaibigan niya nang makita niyang pinagtatawanan siya ng mga ito pagpasok niya ng opisina ng Bitter Sweet. Hindi pa rin kasi makalimutan ng mga ito ang nangyari sa kanya sa bar noong Biyernes ng gabi. Hell, it was already Monday and they still haven't stop pestering him!

"Hanggang kalian nyo ako pagtatawanan?" Malamig na tugon niya bago siya umupo sa cubicle niya.

"You really looked like an idiot back there, man!" Sinabayan ng halakhak ni Macqui ang pagsasalita nito.

"Sana pala vinideo natin. I bet it would trend in the internet. Imagine all the hits it would gain! You'd be an internet sensation! " dagdag ni Theo.

Kinuha niya ang isang scratch paper na nagkalat sa table niya saka iyon binato kay Theo. "Asshole."

Lalong lumakas ang tawanan ng dalawa at wala siyang nagawa kundi ang mapailing nalang. Siya ngayon ang topic ng mga kaibigan niyang kolokoy. Muli siyang napailing habang naiisip kung bakit nga ba niya naging kaibigan ang mga ito. Bukod sa mas gwapo siya sa mga ito, wala siyang nakikitang ibang pagkakapareho nila.

Matapos ang nangyaring pagtatapat niya kay Charlene noon ay lumipad siya patungong America upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. On the process, he tried re-creating himself in there. Unti-unting nag-improve hindi lamang ang social skills niya kundi maging kanyang pisikal na kaanyuan. He took off the glasses he always wore which made his gray eyes—which he inherited from his European mother— stood out more. Nagworkout din siya upang magkaroon ng laman ang kanyag katawan. Doon niya nakilala si Theo na isa ring Pilipino. Nalaman nilang sa iisang unibersidad sila nag-aaral which made them buddies. Isinama siya nito kung saang-saang bar. At bago pa siya naging isang playboy, ito muna ang nauna sa kanya kaya masasabi niyang ito ang nagturo sa sa 'kalakaran' ng one night stand.

Sabay silang umuwi noon ni Theo sa Pilipinas. Doon niya nakilala ang mga kaibigan ni Theo na sina Macqui na kababata nito. Siguro kaya nga niya naging kaibigan ang mga ito dahil kahit magkakaiba sila naiintindihan nila ang isa't isa. They all have they hang ups and understood it. O siguro, pareho lang talaga sila ng likaw ng bituka. He didn't want to be cheesy, really.

Kasabay ng pagbalik niya sa Pilipinas apat na taon na ang nakakaraan ay sinimulan ng kapatid niyang si Kristal ang business nitong isang clothing shop—ang Bitter Sweet. They produce, manufacture and sell unique clothes for men and women. Hindi na siya nagtaka doon dahil iyon naman talaga ng linya ng trabaho ng kanilang pamilya. His mother owns Je'Taime, a clothing brand for gowns and other formal wears. Ito ang dahilan kung bakit inclined na inclined silang magkapatid sa fashion—they grew up living and breathing it because of their mom.

Siya ang kinuha ni Kristal na Creative Director ng Bitter Sweet. Dahil bukod sa nagtapos siya ng fine arts ay mababantayan diumano siya nito ng maayos. She also hired Theo who was a graphic designer and Macqui who is a web developer. Magkakasama sila sa creative team kaya wala siyang takas sa pambubuska ng mga ito.

"Kert Vincent Elizalde!"

Napakamot siya sa kanyang batok ng marinig niya ang boses ni Kristal mula sa pinto. Alam na alam na niya ang sasabihin nito.

Itinaas niya ang kanyang kamay tanda ng pagsuko. "I'm sorry I'm late Kristal. May road reblocking sa dinaanan kong highway kaya ako na-late."

Tinaasan lamang siya ng kilay ng nakakatanda niyang kapatid na nasa harap na ngayon ng cubicle niya. "You used that alibi last week. Please come up with something unique tomorrow, will you?"

Pinigilan niyang mapangiti ng binalingan nito si Macqui at Theo. Nakitang niyang nagmamadaling kumilos ang mga ito upang umupo sa kanya-kanyang cubicle. There was no denying that they are all afraid of her.

ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon