CHAPTER FOUR

7.6K 136 2
                                    


KINABUKASAN, parang ayaw nang buksan ni Charlene ang pinto ng kwarto matapos niyang maisuot ang two-piece swimsuit na imo-model niya para sa araw na iyon. Dahil biglang nagkaroon ng LBM ang isa sa mga modelo, siya ang napagdikitahan ng mga stylist na pagsuotin ng mga damit na i-le-layout sa araw na iyon. Napagkaisahan din siya ng ilang tao sa creative team kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag at magbihis.

Bigla siya napaismid ng maalala niya ang reaksyon ni Kevin habang pinipilit siyang kumbinsihin ng mga stylist na humalili sa isang modelo. His face remained passive. Walang anumang reaksyon sa mga mukha nito, in fact, mukha pa nga itong bored na bored.

Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. Hindi naman siya kasing seksi ng mga modelo nila pero mayroon naman siyang ipagmamalaki. Her tummy was flat at wala siyang anumang baby fats o cellulites. Mahaba din ang legs niya at maari siyang ihanay sa mga modelo kung patangkaran lang naman ang pag-uusapan. Ano kayang magiging reaksyon ni Kevin kapag nakita siya nito mamaya?

Charlene! saway niya sa kanyang sarili. Bakit ba siya masyadong concerned sa kung anong sasabihin o magiging reaksyon ni Kevin? Ganoon ba talaga siya naapektuhan sa nangyari sa pagitan nila kahapon at bawat kibot na gagawin niya ay importante kung anong sasabihin nito? It was crazy so she dismissed the idea.

Lakas loob niyang binuksan ang pinto at sinalubong siya ng mga expectant na mga stylist. They shrieked in delight upon seeing her. Nginitian niya ang mga ito matapos siyang paulanan ng mga ito ng papuri. Pero mas kailangan pala niya ng lakas ng loob dahil pagdating niya sa location nila parang mas gusto na niyang ibalot ang suot niyang cover up sa katawan habang nakatingin ang lahat sa kanya.

"Cha, tanggalin mo na iyan," sabi ni Dani, isa sa mga baklang stylist nila. "Huwag kang mag-alala, may maipagmamalaki ka."

"Corrected by ka dyan sister! Wag kang mahihiya girl! You have it, so flaunt it!" sabi pa ni Tracy na isang make up artist.

Alanganing nginitian niya ang mga ito saka niya tinanggal ang suot na cover up. She was rewarded with admiring eyes and good praises.

Hindi niya mapigilang matawa sa komento sa kanya ni Theo at Macqui. "Babae ka pala? Akala namin lalaki ka!" Hindi kasi siya nilubayan ng dalawa sa pang-aasar kagabi matapos niyang sagutin si Kevin at sinabing walang sinuman ang naglakas ng loob na salungatin ito kundi siya lang.

Sinadya niyang hindi tapunan ng tingin si Kevin habang naglalakad siya palapit dito. Kaya ngayon habang nakatayo siya malapit dito, nakita niya ang kakaibang paghanga sa mga mata nito. Ngunit sandali lamang iyon at bigla tuloy niyang tinanong ang kanyang sarili kung totoo nga ba ang nakita niya.

Why would he even admire you? Pangungutya niya sa kanyang sarili. He is a playboy so he must've seen a lot of women wearing two piece swimsuits. Isa pa, you were just a mere girl who knows how to use a kit lens to him.

"Saan ako pupwesto?" malamig na tanong niya dito.

"On the stone stairs," he said in an equally cold tone.

Umakyat siya sa isang man made na batong hagdan na nagmukhang parte na ng mga rock formation sa tabi ng dalampasigan, saka humarap dito. Of course he would be the one taking her photos. Akala niya ay naihanda na niya ang kanyang sarili sa pagharap niya dito habang kinukunan siya nito, pero hindi pa rin pala. Pakiramdam niya ay may isang tambol sa loob ng kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

But she ignored the loud thumping of her heart and started posing in front of the camera. Sinimulan na rin ni Kevin ang pagkuha ng litrato niya pero nakakunot ang noo nito sa paraan na tila ba hindi nito gusto ang ginagawa niya. Wala naman itong sinasabi kaya naman hindi siya sigurado.

ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon