CHAPTER FIVE

7.3K 148 2
                                    


KEVIN was getting impatient at the moment. Isang bangka lang kasi ang pwedeng bumiyahe para bumalik sa Tingloy Port kung saan naroroon ang sasakayan nilang bus pabalik ng Maynila. Mula kasi sa Masasa kay halos isang oras na byahe pa ang kailangan nilang bunuin sa dagat para makarating doon.

Nasa Tingloy Port na siya kanina dahil kasama siya sa unang batch na hinatid gamit ang bangka. Noon lang niya napansing wala pala doon si Charlene kaya ora mismo ay sumama siya pabalik sa Masasa para hanapin ang dalaga. Bakit ba kasi hindi ito sumama agad kanina? Malamang nag-paiwan ito doon upang paunahin ang ibang kasama sa team.

Malakas na ang hampas ng alon at madilim na madilim na rin ang langit. Hindi pa naman umuulan pero alam niyang nagbabadya na ang bagyo. Kung hindi pa magiging mabilis ang pagandar ng nag-iisang bangka na bumibyahe para sa kanila, siguradong aabutan sila ng bagyo. Katunayan, walang kahit sinong bangkero ang nagtangkang lusubin ang nagbabadyang bagyo pero ginawan niya iyon ng paraan at maswerteng pumayag ang isang bangkero.

Pagtuntong niya sa Masasa ay agad niyang hinanap si Charlene. Tama nga ang hinala niya. Nagpaiwan ito kasama ang iba pa sa team at mas piniling sumabay sa ikalawang trip dahil sa kanya. Alam niyang iniiwasan siya nito kagaya nalang ng paraan ng pag-iwas nito ng tingin sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.

"Everybody, get moving fast. Baka abutan tayo ng bagyo," aniya sa grupo saka isa-isang inalalayan ang mga babaeng sumakay. Tuloy pa rin sa pag-iwas sa kanya si Charlene at pinauna nito ang iba.

"Boss, hindi nakakayanin ng bangka kung magdadagdag pa tayo. Kailangan nyo pong magpaiwan muna," ani ng bangkero sa kanya maya-maya. "Babalikan ko nalang po kayo agad."

Nilingon niya si Charlene na nag-iisang naiwan na hindi pa umaakyat sa bangka. She bit her lip as if hesistating. Silang dalawa nalang ang hindi pa nakakasakay. Agad niyang sinagot ang bangkero. "Sige po manong, balikan nyo nalang po kami."

Naramandaman niya ang pagbaling sa kanya ni Charlene dahil sa sinabi niya. Mukhang gusto nitong magprotesta kaya hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon. Agad niyang hinawakan ang kamay nito. "Let's go."

"Saan tayo pupunta?"

Binitwan niya ang kamay ni Charlene. "If you want to wait here for the boat for hours, fine with me. Pero ako doon ako sa rest house maghihintay." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ng rest house.

Gusto niyang tanungin ang kanyag sarili kung bakit siya naging padalos dalos at nagdesisyong magpaiwan nalang silang dalawa sa Masasa. But he had wanted to talk to her since this morning. Matapos kasi ang komprontasyon nilang dalawa kahapon ay hindi na siya pinatulog ng pagkabagabag sa dalaga.

She was leaving Bitter Sweet and it was because of him—it bothered the heck out ofhim. Siguro, masyado na siyang naguguilty at nakokonsensiya sa mga ginawa niya dito kaya naman noong mapuno ito sa kanya, hindi niya maatim na aalis ito dahil sa kanya.

Pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para makausap ito dahil una, iniiwasan siya nito at pangalawa naging abala siya sa pag-aasikaso ng team para ligtas silang makasakay sa bangka pabalik sa Tingloy Port.

Gusto niyang mapangiti ng maramdaman niyang sumunod sa kanya si Charlene. They'd have a good two hours by themselves at siguro naman makakausap na niya ng maayos ito at makukumbinsi itong huwag ng umalis ng Bitter Sweet.

When they reached the rest house, it was already drizzling. Agad niyang nilingon si Charlene na tila nag-aalangan pang sumunod sa kanya. Kaya naman bumalik siya upang hilahin ito papasok sa loob ng rest house.

"Gusto mo bang mabasa ng ulan?" tanong niya dito nang makapasok na silang dalawa sa loob ng rest house.

Hindi ito sumagot sa halip ay piniksi lamang nag kamay niya at naupo sa isang sulok. Napabuntong hininga si Kevin. Mukhang walang balak si Charlene na kausapin siya. Kung ganoon, paano niya sisimulan ang plano niyang kausapin ito?

ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon