Chapter 4 I saw Ulap... He's Naked

2.2K 60 0
                                    

AN:// Ang eksena sa pinakaibaba ay rated PG. He-he... I thank You!

 

*****

 

 

Chapter 4 I saw Ulap... He’s Naked

***JHUVEL POV***

INIKOT ko ang aking paningin sa paligid. Ang dami talagang bisita na dumalo. Mga piling tao lang ang inimbitahan. Bored na pinasadaan ko ng tingin ang mga taong pabalik-balik na dumadaan sa harap ko.

Sa kakatingin ko ay nakita ko ang kaibigan kong si Dannica Diane, siya ang pinakamaangas sa aming siyam na magkakaibigan.

Kasama niya si Kelvin Clent Ortiga. Sa tingin ko ay ito ang bago niyang Boss. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Parang may mali kasi....

Parang magkahawak sila ng kamay? Baka namalikmata lang ako. Man hater si Dannica, kaya imposible na magka-holding hands sila.

^__^

Tama! Iyan ang totoo! Nilalaro lang ako ng aking paningin!

Nang muli ko silang pagmasdan.... Parang ano... Magkahawak talaga...

@__@

Ikinusot ko ang mga mata. Hindi naman ako lasing kaya bakit? Bakit ilang beses akong nilalaro ng aking paningin?

>__<

May magbubuluntaryo ba na batukan ako? Help naman oh!

Natigil ako sa pag-iisip nang aksidenting napalingon sa kinaroroonan ko si Dannica. May ngiti sa mga labing kinawayan ko siya.

Saglit niyang kinausap ang Boss niya. Parang nagbabangayan pa nga sila. Matapos ang ilang sandali ay nilapitan niya ako.

"Why are you here?" tanong niya agad sa akin.

"Just like you. Watching the show. Ikaw, bakit ka nandito?" Hindi mabura sa mga labi ko ang saya habang tinatanong iyon sa kanya.

Parang ang weird niya. Habang nakatutok ang mga mata ko sa kanya. Pansin ko, parang nagiging mailap iyon. May problema?

"Alam ba ni Zyle na nandito ka? Sinabihan ka ba niya na pumunta dito?"

Ang bilis ng pagkakatanong niya. Walang preno.

"No. Why would she do that thing? Hindi naman iyon sikat para makapunta sa ganitong kabonggang party... Bakit mo nga pala naitanong? Is she here?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ano ba itong itinatanong niya? Ang gulo ha! Imposible naman na makapunta si Krezyl Zane dito. Hindi naman iyon sikat. Piling tao lang ang iniimbitahan dito.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon