Chapter 19 Their Plan

1.4K 50 0
                                    

Chapter 19 Their Plan

***JHUVEL POV***

WALO lang kami ang nandito. Absent ang isa pa naming kaibigan. It's Krezyl Zane, iyong kaibigan namin na fashion designer. Ang naaksidente kamakailan.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagkain. Buti na lang at hindi na iyon inungkat pa ng iba. Nakakahiya naman oras na malaman din iyon ni Dannica.

Bweno, wala namang sekreto na hindi nabubunyag. Pero... mas nanaisin ko pa na sa susunod na lang niya ito malaman.

"Dandi, kanina pa kita napapansin... Bakit ang tamlay mo yata?" ani Micah sa pagitan ng pagkain.

"Malay mo nasesanti." Suhesyon ko.

Pinandilatan ako ni Dannica.  "Kalma lang.. Peace tayong dalawa.." ^__^v

"Tss!"   +__+

Ang lapad na ng pagkakangiti ko. Aish! Ang sama talaga ng pagkakatingin niya sa akin. Ang hirap na umaktong okay lang ako, kahit ang totoo niyan ay sobra na akong nahihirapan. Ang hirap magpanggap na wala lang ang lahat.

"Hindi ba si Zyle ang kararating lang na babae?" ani Rowie.

Napatingin kami sa pinto. Tama nga siya. Si Krezyl nga ang nandoon.  Siya lang itong late.

Nanlaki ng husto ang mga mata ko nang itaas ni Dannica ang isa niyang kamay. Kinawayan niya ang bagong dating na si Krezyl. What the.... Si Dannica ba ito? Wala sa ugali niya ito.

"What?" Sita niya sa amin. +__+

"May lagnat ka?"

"Ilang degress?"

"Ipa-ospital na kita Dandi.."

She glare at us. Kung makatingin parang gusto niya kaming mamatay lahat. Tsk! Ang masamang damo ay matagal mamatay. Mga masasamang damo kami. ^__^v

  

Lumapit sa amin si Krezyl.

"Bakit ka nandito?" Salubong na tanong ni Jheff sa kararating lang na si Krezyl. "Hindi ba nasa bahay ka ni....." Hindi na niya natapos ang balak niyang sabihin dahil tinakpan na nito ang bibig niya.

Umiling ito na tila sinesenyasan si Jheff na tumahimik.

Mukha silang baliw na nagsesenyasan. Promise, sa susunod... magbabaon ako ng tranquilizer!

"Bumalik ka na doon kung ayaw mong kaladkarin kita pabalik don." Sabi ni Jheff matapos bitawan ni Krezyl ang bibig niya. =__=

"Bakit? Saan mo siya ibabalik?" takang tanong ni Analine.

"May nangyari ba?" follow up question ko.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon