Chapter 11 Living with Ulap

1.7K 55 0
                                    

Chapter 11 Living with Ulap

***JHUVEL POV*** 

AMAZE ako. Sobrang manly ng condo ni Ulap. Bawal ako sa bahay nila. Batid ko naman na may ganito siya. Mabuti na lang at pinatira niya ako dito.

Pansamantala na dito ako titira. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Malaki din naman ng condo niya at ang ganda pa.

Natigil ako sa kakatingin dahil bigla na lang akong hinila ni Ulap. Bumagsak ang likod ko sa sofa. Tinulak niya kasi ako pahiga. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang bahagi ng ulo ko.

Mataman siyang nakatitig sa akin. Ewan, pakiramdam ko kasi, parang umiilaw ang paligid.

"Alien girl..." anas niya.

Hindi ako makapagsalita. Parang naputol yata ang dila ko. Huminga ako ng malalim. Gusto kong sabihin sa kanya na kung pwede siyang umatras o hindi kaya ay mag-disappear siya muna tapos babalik siya mamaya.

I gulp. Inilapit niya kasi ang mukha niya sa mukha ko.

"Ulap..." sa wakas. Nagawa ko ring magsalita.

"Hmmm?" Ang boses niya. Parang nang-aakit.

Sini-seduce na naman niya ba ako? Kukuntrahin ko na naman ba siya? Ako kaya ang umakit uli sa kanya? Tsk! Dilikado. Hindi ako makakatakbo.

Napatitig ako kay Ulap matapos tumama ng ilong niya sa ilong ko. Mabuti na lang pala at mataas itong ilong ko. Paano na lang kung hindi?

>__<

"Alien girl..."

"Ulap..."

Ay ano ba ito? Nagtatawagan lang kaming dalawa!

"Hindi ka ba natatakot na ako ang makakasama mo ngayon sa condo ko?"

Bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit naman ako matatakot? May dapat ba akong ikatakot? Wala naman di ba?

"Wala." Sagot ko.

"Babae ka, lalaki ako..."

"Tapos?"

Umatras siya ng bahagya. Tapos tinitigan ako na parang hindi makapaniwala sa isinagot ko. Tapos ilang segundo lang bumalik na naman siya sa mukha niyang parang nang-aakit.

"Alien girl..." ang isang kamay niya ay pinaglandas niya sa pisngi ko. "Hindi ka ba natatakot na pwede kitang pagsamantalahan?"

O__o

?__?

^__^

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now