Chapter 14 The Confession

1.5K 52 0
                                    

Chapter 14 The Confession

 

 

***JHUVEL POV***

ANG sarap sana ng pagkakatulog ko kaso may narinig akong ingay. Mukhang phone ko yata.

Araw-araw ay naghihintay sayo....

Tinatamad na kinapa ko iyon.

Dala-dalang pangarap kong hindi nabuo....

Panay lang ang pagkapa ko hanggang sa maabot ko rin sa wakas.

Bawat alaala mo ay nagbabalik...

Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag.

Hindi parin malimot ang mga sandali...

Sinagot ko na iyon.

"Hello?" namamaos parin ako.

(Jhuveleen... nasaan ka na ba?)

"Bakit ba?" Kinapa ko ang ulo ko. Ang sakit.

(Kagabi pa ako tumatawag sayo kaso hindi mo naman sinasagot. I also went at your house but Tito told me na naglayas ka daw.)

"Oo... bakit ba?" >__<

Ang sakit talaga! Kailangan ko ng gamot. Para kasing pinupukpok. Aish! Sana pala ay hindi ako uminom kagabi! Pahamak!

(You have to go at VIZE restaurant this morning. Magtitipon tayo dito mga 6 am.)

"Anong oras na ba?" >__<

(5:30 na!)

"Ang aga naman." Antok pa kasi ako. Aish! Hindi na ako iinom. Sakit sa ulo.

(Kailangan mong pumunta!) ang tapang ng pagkakasabi niya.

"Importante ba iyan?" >__<

(Yap! As in OO! Malapit na kaming makompleto tapos ikaw na lang ang magiging kulang dito kaya kung pwede lang sana ay bilisan mo ang pagkilos at maligo ka na!)

Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tainga ko. Sumisigaw na kasi itong kaibigan ko.

"Oo na... Pupunta na ako diyan."

(Good! I will ask you later kung ano ang nangyari sayo kahapon. Basta ang mahalaga ay makapagbihis ka na. Bye!)

Hindi man lang ako pinatapos magsalita. Aish! Kahit pagod ay pilit akong bumangon.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon