9: Are You Okay?

724 46 11
                                    

Sana's Pov:

Hindi maganda yung ginawa ni Nayeon kahit sabihin pa niyang kinukulit siya ni Dahyun.

Kung minsan, hindi ko rin maintindihan si Nayeon. Pinapakita niyang matapang siya't kaya niya ang sarili niya. Pero sa totoo, alam naman naming kailangan niya ng karamay. Kailangan niya ng mga taong nagpapahalaga sa kanya.

Alam naming may problema siya sa pamilya pero hindi ibig sabihin nun na pwede na niyang saktan ang kahit na sinong gusto niya.

Hindi parin niya hinahayaang makalapit sa kanya yung mga taong gustong makatulong. Yung mga taong hindi siya iiwanang mag-isa.

Kahit ganyan siya na palaging namumuno sa pagiging pasaway, alam naming mabuting tao si Nayeon. Nadadala lang siya ng emosyon niya kung minsan kaya inaakala ng lahat na masama siyang tao.

Palagi akong nananahimik sa tuwing may gagawing kalokohan si Nayeon, pero hindi ko matiis na makita siyang tinatrato si Dahyun nang ganun.

Wala naman akong nakikitang masama sa pagtulong ni Dahyun sa kanya. Nakikita at nararamdaman ko na gusto talagang makipagkaibigan ni Dahyun sa kanya. Bakit hindi niya bigyan si Dahyun ng chance?

Naupo na lang ako sa loob ng classroom habang iniisip kung paano matutulungan si Nayeon sa inaasal niya. Nagadvice na ko sa kanya na mag-apologize kay Dahyun. Nasa sa kanya na 'yun kung gagawin niya.

Umaasa akong humingi nga siya ng tawad sa ginawa niya. Hindi ko rin alam eh. Siguro dahil kitang-kita ko yung pagsimangot ni Dahyun kanina.

Hindi kami close ni Dahyun pero alam ko naman na mabuti siyang tao kaya wala namang problema kung kakausapin ko siya o magiging kaibigan. Walang issue sakin 'yun.

Habang abala ko sa pagiisip, tumunog na ang bell para sa next subject kaya naman naupo na ko sa pwesto ko. Maya-maya, nagsimula nang magbalikan ang mga estudyante sa classroom.

"What's Up, Sana!" Sabi ni Momo sabay apir sakin.

"Bakit hindi ka na bumalik sa tambayan?" Tanong naman ni Mina sakin.

"Inantok kasi ako. Nagstay na muna ko dito para matulog." Palusot ko sa kanila dahil hindi na naman nila kailangang malaman yung nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Nayeon kanina.

Napansin kong hindi nila kasama si Nayeon. Nasaan na kaya 'yon?

"Si Nayeon?"

"Ayun! Hindi namin napigilan. Umuwi na. Wala daw siya sa mood ngayon." Sagot ni Momo.

"Ano bang nangyari doon? Bakit mukhang badtrip?" Tanong naman ni Mina sakin.

"Hindi ko rin alam." Sagot ko na lang nang makita kong pumasok na rin sila Dahyun at ang mga kaibigan niya sa classroom.

Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. Ang laki naman ng pinagbago ng facial expression niya. Kadalasan nakikita ko siyang palaging nakangiti pero ngayon, nakasimangot siya.

Siguro iniisip parin niya na kasalanan niya yung nangyari kanina. Wala naman siyang kasalanan dun eh.

Pinagmasdan ko lang si Dahyun na nakaub-ob sa armchair niya. Mukhang nalungkot talaga siya sa nangyari kanina. Aish. Im Nayeon kasi eh!

You Should TalkWhere stories live. Discover now