68: R o o f t o p

383 23 8
                                    

Dahyun's Pov:

Siguro kasalanan ko. Siguro ako na naman yung may gawa kung bakit nagkakagulo sila. Ayoko namang umabot sa ganitong nagkakasakitan na sila eh.

Nang dahil sakin nag-away sila Sana at Nayeon na matagal nang magkaibigan. Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko na maintindihan.

Ano bang dapat kong gawin? Palagi na lang bang ganito? Ano bang nangyayari kay Nayeon? Hindi ko na siya magets eh. May nararamdaman akong kakaibang pagbabago na nangyayari sa kanya.

Alam kong mahal na mahal niya. Ganun din ako sa kanya. Pero may kakaiba talagang nagbabago sa kanya. Hindi na siya yung Nayeon na nakilala ko noon. May hindi rin pala magandang epekto ang sinasabi kong improvements na nangyayari sa kanya.

Aminado naman akong nakakaramdam ako ng selos sa tuwing makikita ko sila ni Jeongyeon na magkasama. Alam ko rin naman na wala silang ginagawang masama. Pinipilit kong itatak sa isip kong wala talaga. Bakit? Dahil naniniwala parin akong hinding-hindi magagawa sakin ni Nayeon 'yun.

May pag-asa namang nagbago talaga si Jeongyeon, diba? Sana hindi totoo yung sinasabi ni Sana. Pero kilala ko si Sana eh. Hindi siya gagawa nang ganung gulo para sa wala. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Naaapektuhan na rin ang samahan ng buong grupo.

Mas mabuti pa sigurong mag-isa muna ako. Gusto ko munang magisip-isip. Gusto ko munang magkaroon ng oras para sa sarili ko kaya naman minabuti kong tumakbo palayo.

Hindi ako pumunta sa tambayan dahil alam kong hahanapin nila ako doon. Nagdesisyon akong pumunta sa rooftop kung saan minsan na kaming tumambay ni Nayeon.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Gusto ko lang naman na maging maayos ang lahat. Masaya akong masaya si Nayeon sa suporta at pagmamahal ng lahat na nararanasan niya ngayon. Naiintindihan ko rin ang kagustuhan niyang tulungan si Jeongyeon dahil nakakarelate siya dito.

Pero bakit ganito? Nagkakagulo parin. Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si Nayeon. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli, pinili kong sagutin ito.

On The Phone:

"Hello, Dahyun. Nasaan ka?"

"I'm okay."

"Pupuntahan kita. Nasaan ka?"

"I said I'm okay."

"Dahyun, kailangan nating mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Si Sana 'yung nagsimula ng gulo. Hindi ako."

"Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko."

"What? Seriously? Kailangan pa bang pag-isipan 'yon? You should belive me."

"Gulong-gulo na ko."

"Dahyun, sabihin mo sakin kung nasaan ka."

"Hi--Hindi na kailangan."

"Umiiyak ka ba?"

"Ako? Hindi. Wala 'to. Sinisipon lang ako. Sige na."

You Should TalkWhere stories live. Discover now